Chapter Twenty Six

730 37 3
                                    

"Sophie... Mabuti nandito ka na," sabi ni Philip sa'kin nang makalapit na kami sa kinatatayuan niya. Halatang kanina pa siya rito naghihintay, dahil bakas yun sa mukha niya. He looked tired, worried and a little bit anxious.

Nailang ako. Nailang ako sa dalawa na nagkakatinginan ngayon. At yung wild imagination ko, umatake na naman. Advanced ang mga pangyayari sa imagination ko dahil pinag-aawayan na daw ako ng dalawa.

Wala na, baliw na yata ako.

"Sophie, pwede ba tayong mag-usap?" Philip asked tentatively. Natauhan ako dun at napatingin ako kay Christopher. He nodded to me as an approval.

Si Philip naman ang tiningnan ko. "Okay, sige."

"Pasok muna kayo sa bahay. Pwede kayong mag-usap dun," yaya ni Christopher pero umiling agad si Philip.

"Salamat pero dito na lang kami mag-uusap," Philip told Christopher. "Hindi na kasi ako magtatagal, may sasabihin lang akong importante kay Sophie."

"Okay. O pano, maiwan ko muna kayo," ani Christopher. "Sophie, tawagin mo na lang ako kung okay ka na."

Tumango ako. Saka ko nakitang pumasok na ng bahay nila si Christopher. Medyo nalungkot ako dun kasi parang okay na okay lang talaga kay Christopher na magkakausap kami ni Philip.

Siguro nga ay ayos lang yun sa kanya. Baka kasi nakapag-move on na siya agad sa'kin. At selfish na kung selfish, pero ayoko sana siyang makapag-move on sa'kin. Ang sakit kasi eh. Ang sakit lang na nakikita ko siyang parang wala na talaga siyang malisya sa'kin. Na friends na lang ang turing niya sa akin.

Nang maiwan na kaming dalawa ni Philip sa labas, saka ko siya hinarap. I know that he waited for me so I started by saying sorry.

"Philip sorry. Matagal ka bang naghintay?"

"Hindi naman," sagot niya. Pinagmamasdan niya ako nang maigi at nailang na naman ako. "Okay ka lang?"

"Ha? Okay naman."

"Mabuti naman." Dun ko napansin na may hawak siyang white envelope at ibinigay niya yun sa'kin. "Sophie, galing 'to sa Mommy mo. Pinabibigay niya sa'yo."

"Ano 'to?"

Umiling si Philip. "Sorry, hindi ko alam eh. Nautusan lang akong ibigay sa'yo."

Tinanggap ko na rin yung envelope. At nang nahawakan ko yun, nakapa ko kung anong laman nun kaya nainis ako bigla at ibinigay ko yun ulit kay Philip.

"Sorry pero hindi ko yan matatanggap," sabi kong naiiyak na naman. Ayoko na sanang umiyak pa pero sadya talagang galit sa'kin ang tadhana.

Napilitan namang tanggapin ulit ni Philip yung envelope. "Sophie---"

I shook my head as I composed myself while trying to stop being emotional. "Please, Philip. Wag mo nang ipagpilitan pa yan, okay? Hindi ko kailangan ng pera niya. I can survive on my own."

"Are you sure?" Tanong niyang parang hindi alam ang gagawin.

"Oo. Hindi ko yan matatanggap. Hindi niya naman kasi ako kailangan pang bigyan ng pera."

"Naiintindihan ko," sagot ni Philip na mukhang alam na yata ang issue sa pagitan namin ng parents ko. Of course, nandun siya kanina sa bahay, malamang tinanong niya doon kung bakit ako nagdrama nang ganun kanina. "Pero Sophie, nanay mo pa rin siya. Nag-aalala lang yun na baka wala kang panggastos dito kaya ka niya binibigyan. Wag mo naman yung pag-isipan nang masama. I saw how she cried when you left us kanina."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon