Chapter Thirty Nine

579 32 14
                                    

Kung ito ang pang-labintatlong beses na makikita ko si Christopher, ayoko na lang sa destiny na yan. Kung ito yung maliit na piraso ng destiny na yan na magdadala sa'kin kay Christopher, ayoko na din sa tadhana na yan.

Hindi ko kaya. Hindi ko matanggap na isa si Christopher sa mga bangkay na nasa loob ng mga body bags na nakasakay na ngayon sa truck ng mga sundalo. Parang ang weird lang isipin na si Christopher, na palaging nakangiti, palaging buhay na buhay, ay posibleng isa na ngayong malamig at naaagnas na bangkay.

"Sophie..." Itinayo ako agad ni Philip, at niyakap. Pero hindi yun sapat ngayon. Nothing would ever suffice at this moment. I felt dead myself.

"Kamag-anak niyo ba sila? Kasi kung kamag-anak niyo sila, kailangan namin ng information---"

"Hindi po," sagot na agad ni Philip dahil hindi ko na kayang magsalita. "Kakilala lang po..."

"Ah ganun ba, o sige mauuna na kami," sagot nung sundalo at akmang aalis na ito pero pinigilan ko siya.

"Teka lang po...baka pwede po naming i-check kung...kung siya nga yung kakilala ko?" I asked tentatively, wiping my tears. Napatingin sa'kin yung sundalo at si Philip na rin, na parang iniisip nila kung may sense yung sinasabi ko.

"Pero miss sinabi ko na, hindi na sila makikilala... Naaagnas na ang mga bangkay at basag pa yung mukha ng isa..."

"Pero Sir...siguro naman makikilala ko kung siya nga yung kakilala ko kung makikita ko yung katawan niya di ba?" I protested indignantly. Nagkaroon kasi ako bigla ng pagdududa.

Naisip ko lang, paano napunta sa bahay nila si Christopher kung kasama ko siya nung oras ng bagyo? Kelan ba nagiba itong bahay nila? Kasi kung nung panahon ng bagyo ito nagiba--- imposibleng si Christopher yung natagpuan nilang pang-apat na bangkay! Dahil ang layo ng lugar na ito sa airport! Paano naman napadpad dito si Christopher?

Pinagmamasdan ako nang maigi nung sundalo. Parang pinag-iisipan iyang mabuti yung request ko.

"Kailangan ko lang pong ma-confirm kung si Christopher nga yung isa sa mga bangkay. Please po..."

"Sophie, tama na..." pigil sa'kin ni Philip na tila nataranta na rin sa ikinikilos ko.

Pero tumango na yung sundalo na mukhang naawa sa'kin. "Sige, pwede niyong i-check. Puntahan niyo yung sundalo sa harap ng truck. Nasa kanya yung detalye kung anong numero nung mga bangkay na hinahanap niyo."

"Salamat po," I said even if I didn't understand what he meant. Pero nung nagpunta na nga kami dun sa kasamahan niya na itinuro niya, dun ko nalaman na may numero ang bawat body bags. At may record sila ng bawat bangkay, for information purposes yata. Nang sinabi na sa'min kung ano ang numero ng body bags ng pamilya ni Christopher, agad akong kinausap naman ni Philip sa gilid ng truck.

"Ako na ang titingin sa bangkay."

Agad akong kumontra. "Ako dapat ang titingin, Philip!"

"No. Ayokong ma-trauma ka. Just in case na...na ano..." Hindi niya man sinabi nang klaro, alam ko ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang makita ko kung ano ang itsura ni Christopher, kung talaga ngang siya yung bangkay na basag ang mukha.

Naiintindihan ko yung concern niya, dahil naisip ko rin, kakayanin ko nga ba kung sakaling makita ko yung itsura niya?

"Kilala ko naman siya, Sophie. Tulad mo, kampante naman akong makikilala ko rin siya kung sakali. Ako na lang ang titingin. Hindi mo na kailangang makita...para kung siya man yun, hindi mapapalitan ng itsura ng bangkay niya kung ano man ang itsura niya sa ala-ala mo. Mas okay na yun, lalo na't masyado ka nang sinubok emotionally."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon