Chapter Fourteen

965 52 0
                                    

Destiny.

n. Ang pambihira at hindi kapani-paniwalang kakayahan ni Christopher King Tiu na gimbalin (yes, gimbal talaga ang term na gagamitin ko dahil what the heck, kagimbal-gimbal talaga) at gambalain ang dati ko nang magulong mundo.

Simula sa araw na ito, yun na ang definition ko ng destiny. Dahil nang marinig ko yung pinagsasabi ni Christopher doon sa radio, naniniwala na talaga akong nag-eexist ang future naming dalawa--- isang future kung saan ako ay tahimik na namumuhay at siya naman ay ang aking personal awkward moment provider. Kung ganitong klase ng destiny ang meron kaming dalawa, o sige na at naniniwala na talaga ako.

Grabe kasi siya.

Hindi ko kinaya yung huling pagpaparamdam ng destiny niya. Of all places or incident that could have happened, talagang sa radio pa na naka-broadcast ata sa buong probinsya at probably sa buong mundo dahil uso na pala ngayon sa mga radio station yung online streaming.

Kaya nga nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa nangyaring yun dahil kaka-decide ko pa lang na wag magpapaniwala sa hula sakin ni Ate Merls kaso ang bilis naman ni Christopher na pigilan ako sa pagiging close-minded ko pagdating sa mga ganun.

Biruin niyo, talagang narinig ko siya sa radyo. At hindi lang yun, sinabihan niya pa talaga ako ng I love you, (ang main reason kung bakit nagsitayuan yung mga balahibo ko sa katawan.) Eh kasi naman, talagang sinabi niya yun. Ibig sabihin ba nun, talagang may feelings na siya para sakin at hindi lang niya ako pinaglalaruan?

Kahit kasi alam kong sincere siya sa ilang beses ko siyang nakausap, hindi ko pa rin sinasara yung idea na posibleng isang malaking prank lang ang lahat at isang araw ay sasabihin niya saking joke lang lahat at nasa Wow Mali ako. Kasi lalaki siya, at ang alam ko sa kanila, iba ang wiring ng mga utak nila kaya iba silang mag-isip. Baka pinagtritripan niya lang kasi ako, o baka may ginagawa lang siyang social experiment o ano. O baka ganun siya makipaglandian sa mga babae, sasabihin niyang destiny niya sila.

O di ba ang paranoid ko lang? Kasi kahit somehow ay friends na kami ni Christopher ay naiisip ko pa rin sa kanya yung ganun. Pero pinaninindigan kong hindi naman masamang ganun yung iniisip ko, open-minded lang talaga akong tao kaya open ako sa kahit anong reason ng pinag-gagagawa nitong si Christopher.

Pero iba ngayon. Dahil sa ginawa niya, naniniwala na talaga ako, one hundred percent na;

a. May toyo ang utak niya. Baka patis meron din sa utak niya kasi wat da ef, sinong matinong lalaki ang magde-dedicate ng isang kanta sa radyo para sa isang babae na hindi naman nakikinig sa radyo in the first place?

b. Matibay ang pananalig niya dahil in fairness, lumalabas na matagal na niyang ginagawa yun at ngayon ko lang nalaman. Ang tiyaga niya to the point na kilala na siya ng dj at ng mga nakikinig sa radyo. Kung sana eh kasing-tiyaga niya lahat ng Pilipino eh baka wala ng mahirap ngayon sa Pilipinas. Karapat-dapat na nga siyang alayan ng Most Industrious award para sa ginawa niya at,

c. Dapat nang i-rehab si Christopher dahil sobra na ang pagkalulong niya sa destiny niya at kung hindi lang siya gwapo ay baka ang creepy na talaga ng nangyayari. Para na nga akong nasa show na American Psycho eh.

Pero dahil personal ko na siyang kilala, hindi na ganun yung naging reaction ko dahil alam kong kaya niya talagang gawin yung ganun. Siguro ay na-caught off guard lang ako kaya nangilabot ako nang marinig ko yung boses niya. At hindi ko tanggap--- hindi ko talaga tanggap na nananalo na siya dito sa aming Meeting Games dahil pang-anim na beses nang nagkatagpo ang aming mga diwa.

Well, kung tutuusin, hindi naman talaga kami totoong nagkatagpo, pero gaya ng sa Facebook, napaka-rare kasi ng chance na maririnig ko yung pinagsasabi niya.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon