Chapter Twenty Nine

785 39 10
                                    

Ganito pala ang feeling nang ma-in love. Sobrang saya na sobrang exciting na sobrang nakakakaba. Masaya kasi overwhelming yung feeling na para akong bulkang sasabog na ewan. Imagine kasi, mas malaki yung chance na hindi na kami magtatagpo ni Christopher. Pero nagtatagpo pa rin kami.

Exciting naman siya kasi hindi man namin alam kung anong klaseng future ang naghihintay sa'ming dalawa, eh alam naman namin yung feelings namin para sa isa't-isa. Hanggang ngayon nga, kinikilig pa rin ako everytime na naaalala ko kung pano siya umamin sa'kin over the phone na gusto niya pa rin ako. Parang may kakaibang sensation akong nararamdaman pag naaalala ko yung aminan conversation namin.

Pero siyempre, nakakakaba din siya. Eh kasi...bilang na bilang na kasi ang mga araw namin bago siya umalis ng bansa. Kaya eto kami, sinusulit yung mga natitirang araw niya dito sa bansa.

We were at the mall to watch a movie. Nakakaloka nga eh. Halos two hours ako sa kwarto ko kanina kakasukat ng mga damit ko. Hindi kasi ako makapili nang isusuot ko. Tinukso tuloy ako ni Adrian.

At nang nasa mall na nga kami, ewan ko ba at kung bakit parang nahiya ako bigla kay Christopher. Parang gusto ko na nga lang umuwi eh. Nahihiya ako sa kanya na ewan. Adik na yata ako.

"Manonood na ba tayo ng movie? Or should we eat first?" Excited na tanong niya. Tuwang-tuwa siya sa pagkikita naming ito. Hindi na kasi nawala yung ngiti sa mukha niya.

"Mamaya na tayo kumain, hindi pa naman ako gutom. Punta muna tayong bookstore," sabi ko. He nodded and we went to the bookstore just to check what were the new arrivals. Humiwalay muna ako kay Christopher na naging busy dun sa mga DC Comics sa isang stall at dumiretso ako dun sa mga YA books. At siyempre, na-depress lang ako nang makita ko yung mga bagong libro dahil wala akong pera ngayon. Wala pa kasi akong sahod. Kumonti pa naman yung mga students ko ngayon kaya tipid-tipid muna.

"Sophie..."

Napalingon ako at nakita ko si Christopher sa kabilang shelf. May hawak siyang libro at kumakaway siya sa akin para lumapit ako sa kanya. Agad naman akong lumapit.
Nakangiti siyang pinapakita sa'kin yung hawak niyang book. At pamilyar yun.

"The Eye, The Ear, The Arm..." basa ko sa title ng libro at namula ako agad dun. May naalala kasi ako agad dun.

"Astig no?" Ani Christopher. "Meron sila dito. Collector's Edition 'to."

Sinilip ko naman sa likod ng book yung price tag. "Ay ang mahal. Sayang."

"Pero di ba, nabasa mo na 'to?" He asked. "Yung copy na nasa library?"

"Hindi ko naman kasi nabasa yun," pag-amin ko. "Nawala ko nga yun di ba? Tapos na-trauma na 'ko dun kaya di ko na hiniram ulit."

"Sayang. Akala ko nabasa mo na. Favorite ko kaya 'tong book na 'to."

"Ah basta ako isinusumpa ko na yang book na yan forever," sabi ko pa at natawa kami pareho.

"Sus, kinikilig ka lang eh... kasi dahil sa book na yun nagkaroon tayo ng isa pang accidental meeting..." sabi niya sabay kindat.

"Heh!"

He laughed loudly as he returned the book to the shelf. "Akalain mo kasing of all the books that you could borrow, yun pang ako pa lang ang humiram dun yung hihiramin mo rin. Tapos maiiwan mo pa sa Dunkin at swerte namang ako ang makakakita. O di ba ang galing ng tadhana."

"Nakakaasar nga eh," sabi ko naman. "Noong ayoko pang makatagpo ka accidentally in any way, kung saan-saan tayo pinagtatagpo ng tadhanang yan. Tapos ngayon namang gustong-gusto ko nang makumpleto na natin yung thirteen ways na yan, hindi naman ipinagkakaloob ng tadhanang yan. Ewan ko ba. Nang-iinis na lang yata yan eh!"

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon