Epilogue

897 45 29
                                    

Thirteen Ways of Meeting Him

1. Mcdo
2. Facebook
3. Swimming pool
4. Hagdanan
5. Brownout
6. Radyo
7. Homework
8. Libro
9. Philo 1 class
10. Amazing Race
11. Canigao
12. Airport
13. Mcdo

Thirteen nga.

Nagkatagpo nga kami ng labintatlong beses.

Grabe, hindi ako makapaniwala. Agad akong nagka-goosebumps sa buo kong katawan!

Ang alam ko may tawag sa ganitong feeling. Yung pakiramdam na parang nangyari na ito dati pa. Na parang naulit na lang itong moment na ito noon pa.

Deja vu? Siguro deja vu nga, pero mas surreal pa dun eh. Mas magical pa. Yung parang kung paano kayo nagsimula, ay ganun din kayo magkikita sa ikalabintatlong beses? Yung parang bumabalik lang pala kayo sa umpisa?

There should be a word for what I was feeling now, now that the person I thought was dead for eight months was standing in front of me.

Alive.

Breathing.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, yung facial expression niya ngayon habang nakatitig siya sa'kin. I'm sure he was feeling too what I was feeling. Sigurado ako na sumasabog din sa gulat at tuwa ang dibdib niya ngayon.

Hindi naman talaga tumitigil ang oras, pero may mga pagkakataon pala na mai-stuck tayo sa mga mumunting moments; hence the feeling we get that feels like time had really stopped. May mga moments na sobrang saya, sobrang unexpected, na ayaw na ito nating matapos, kaya parang nagproprotesta ang mga katawan natin na sumabay sa pagpatak ng oras. Ewan ko ba kung ano'ng tawag sa ganung phenomenon, pero ngayon alam ko nang nangyayari pala yung ganun.

And then tears. Suddenly I was crying. Ganun din siya, umiiyak rin siya sa harapan ko. We didn't even cared that we were in a public place. We just stood there facing each other like nothing else mattered.

And then like it was our instinct, we met halfway, embracing each other while I was sobbing. "Buhay ka, Christopher!" I said to him weeping. "Buhay ka!"

"Oo, Sophie. Buhay ako!" Sagot niya ding umiiyak. Narinig na naming nagsalita sa likod namin yung kumpare ni Daddy na tila nagulat sa ginawa namin ni Christopher.

"Ano'ng nangyayari? Teka...magkakilala kayo!?"

"Opo, Uncle," mahinang sagot ni Christopher sa kanya na hindi pa rin ako binibitiwan. So Uncle niya talaga itong Jerry na 'to? "Siya po yung tinutukoy ko sa'yo!"

"Really? Well...I can't believe this... all along kilala ko pala yung tinutukoy mo!" Dagdag pa ng Uncle Jerry ni Christopher. Syete, hindi talaga ako makapaniwala na related sila sa isa't-isa! Para akong...para akong nasa isang teleseryeng may cliche na plot! Para akong pinaglaruan ng tadhana!

Jusko, ito talaga ang depinisyon ng 'nakakaloka!'

"You're alive, Sophie!" Sabi na ni Christopher sa'kin kaya nag-angat na ako ng mukha ko sa kanya. "Akala ko talaga...wala ka na..."

"Ako din," hikbi ko. "Akala ko rin---"

Ngumiti si Christopher at pinahid niya ang mga luha sa mata ko. "Totoo yung hula. Grabe, totoo yung hula sa'kin, Sophie!" Sigaw niya kaya mas lalo tuloy kaming pinagtinginan ng mga tao sa loob ng Mcdo. Para tuloy kaming agaw-eksena.

Tumango naman ako dun sa sinabi niya. "Oo, totoo nga. Kahit yung hula sa'kin, totoo nga talaga!"

Sumingit na si Uncle Jerry (Uncle na din bigla ang tawag ko sa kanya) sa usapan namin. Tumikhim siya na ngiting-ngiti. "Lovebirds, baka pwedeng maupo muna kayo? Medyo nakuha niyo na kasi ang atensyon ng mga tao..."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon