The biggest lie I ever said so far: hindi ko nami-miss si Christopher.
Sa lahat nang nagtanong at nang-intriga sa'kin, yun ang sinasabi ko. Na hindi ko naman nami-miss si Christopher. Na okay lang naman ako, na hindi ako affected sa pag-alis niya.
Dahil ang totoo, nami-miss ko siya. Ganun naman talaga siguro, part na ng human nature yun. Na hahanap-hanapin mo yung taong umalis. Na mami-miss mo siya. Pero nung nasa tabi mo lang siya, halos ipagtabuyan mo. I think maraming beses na akong nakapanood ng movies na ganito yung plot, at alam kong super cliche na pero pakinshet lang dahil nagiging cliche na rin ako.
Noong Monday nga, yung araw ng pag-alis niya--- nasa kalagitnaan ako nun ng isa kong class ng bigla ko na lang naalala na yun na nga yung time ng pag-alis niya.
At inaamin ko, medyo mabigat yun sa dibdib ko. I felt like I lost a very special person, kahit hindi naman talaga kami ganun ka-close ni Christopher. And just like that, I started daydreaming in my class.
In my imagination, I ran to the airport. Hinabol ko si Christopher. Yung parang sa mga ending ng mga pelikula? Just like that. Nagmadali ako papuntang airport at hinabol ko daw talaga si Christopher para mapigilan ko siyang umalis.
At napigilan ko naman daw siya. Ginawa ko ang lahat ng pwedeng gawin at sinabi ko na ang lahat ng pwede kong sabihin makumbinsi ko lang siyang wag na lang umalis. At dahil imagination ko yun, pumayag daw siyang huwag nang umalis.
Yun nga lang, may kapalit. Ang kapalit, magiging boyfriend ko na daw siya. Magiging kami na talaga at pumayag naman ako dun sa hiningi niyang kapalit dahil imagination ko na yun.
Ikinahiya ko pa ang sarili ko dun sa imagination ko na yun dahil kinilig ako. Oo, kinilig ako dun sa idea na hindi nga umalis si Christopher at hiningi niyang kapalit para dun na maging mag-boyfriend kami.
Watda ef.
Bakit naman ganun yung naging ending ng imagination ko?
Bakit?
Hindi ba pwedeng hindi nga siya umalis pero friends lang kami? Talagang mag-boyfriend agad?
Argh! Shame on you, Sophia! Kabahan ka naman sa mga iniisip mo!
"Sophie. Sophie."
Agad akong bumalik sa reality at nakita kong nakatutok sa'kin lahat ng mga classmates ko. Pati yung Prof. Nakita ko din si Philip na nasa tabi ko na halatang pinipigilang matawa sa'kin.
Waah! Nasa klase nga pala ako!
"A-ano yun?" Kinakabahang tanong ko sa kanila. Kay Philip lang ako nakatingin.
"Bigla kang napasigaw," bulong sa'kin ni Philip. "Nagulat kami."
"Alright Miss Villamor, since hyper ka naman ngayon," sabi ng Prof namin, "why don't you answer the question on the board?"
Patay. Binasa ko yung question sa blackboard, pero hindi ko alam ang sagot. Nakatingin pa rin sa'kin lahat at pinagpapawisan na ako dahil sa pagkaka-hotseat ko.
Yan ang napapala mo, Sophia! Sige, mag-daydream ka pa sa gitna ng klase!
"What's the answer, Miss Villamor?" Tanong ulit ng Prof at napalunok na lang ako sa kaba. Pasimple naman akong kinalabit ni Philip sa ilalim ng mesa at napatingin ako ulit sa kanya. May ibinulong siya sa'kin.
"Bioluminescence, Sir," sagot ko na dun sa tanong ng Prof.
"Correct," sagot naman sa'kin ng. Prof na parang hindi nagi-expect na masasagot ko yung tanong niya. "Bioluminescence ang tawag sa kakayahan ng ilang species of animals and other organisms na magliwanag ang mga katawan nila tulad ng fireflies. At Miss Villamor, alam mo ba kung anong klaseng enzyme ang nasa katawan ng mga hayop na 'to kaya capable sila ng bioluminescence?"
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...