Chapter One

2.1K 72 10
                                    

I angrily dialed my cousin‘s number. Aba, anong oras na pero hindi pa rin siya dumarating! Kanina pa ako dito sa National Bookstore kakahintay sa kanya. Ang usapan namin, dito kami magkikita one hour ago. Ayoko pa namang pinaghihintay. Ugh.

"Hello?" finally, sinagot niya ang tawag ko!

"HOY, ADRIAN! ASAN KA NA? KANINA PA‘KO DITO SA LOOB NG BOOKSTORE!" sigaw ko sa telepono. Nakakainis talaga tong tukmol! Ang aga-aga, naaasar ako!

"Hala... oo nga pala Sophie... sasamahan nga pala kita dapat ngayon na mag-enroll..." halatang nakalimutan ni Adrian ang usapan namin.

"Anong sasamahan dapat? Asan ka ba? Don‘t tell me hindi mo talaga ako sisiputin, loko ka? Alam mo namang hindi ko alam kung paano pumunta sa school?"

Galit na talaga ako kasi parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Pinaghintay talaga ako ng tukmol kong pinsan sa wala?

Oo, totoong hindi ko alam kung saan ang school na pag-e-enrolan ko kasi hindi naman ako tagarito sa lugar na'to. Laking Maynila ako at never pa akong tumira malayo sa siyudad until this school year. Lumipat kasi ako dito sa probinsiya and obviously kailangan ko ring lumipat ng school. Sa totoo lang, ang paglipat sa school ang nagpa-dalawang-isip sa akin na umalis ng Maynila dahil ibig sabihin nun ay iiwan ko ang UP Diliman na mahal na mahal ko pa naman. Muntik na nga akong di tumuloy kung hindi ko nalaman mula kay Adrian na may UP campus pala dito sa lugar na'to. Kaya kahit ang lungkot isiping lilisanin ko na ang Diliman ay na-excite ako sa ideyang sa UP pa rin ako mag-aaral. Sa ibang campus nga lang.

"Sorry na Sophie..." sambit ni Adrian sa kabilang linya. "Ano kasi... nasa kabilang bayan ako... may birthday party kasi akong dinaluhan..."

"Argh! Adrian Villamor! Abangan mo talaga ako mamaya! Tatadtarin talaga kitang ugok ka! Pinaasa mo lang ako! Paano na ngayon ako nito? Alam mo namang last day of enrollment na ngayon! Pag ako mawala sa downtown---"

Hindi ko na natuloy ang litanya ko kasi may naririnig akong ibang boses sa kabilang linya. Aba, isnabin pa ako? Makikita talaga niya!

"Hello Sophie. Andiyan ka pa ba? Ano... may nag-volunteer dito na samahan kang mag-enroll. Papunta din kasi siya doon, napadaan lang rito. Pwedeng---"

"Heh! Ano 'to? Ipapaubaya mo‘ko sa kung sinong alien samantalang ikaw ay nagpapapakabundat diyan sa party? Abangan mo talaga ang pag-uwi ko sa bahay at patay ka talaga sa'kin at sa Nanay mo!" Alam kong matatakot si Adrian sa sinabi ko kasi walang kinikilingan at lalong walang prinoprotektahan ang Nanay niya.

"Sophie naman... sorry na... Eto na nga at gumagawa na ako ng paraan maka-enroll ka lang. Yung kaibigan kong si Tristan, papunta na diyan para samahan kang mag-enroll."

Kung hindi lang ako naiinis sa ugok kong pinsan ay siguro matatawa ako sa tono ng boses niya. Ganun siya katakot sa nanay niya! Pero teka, lalaki yung friend niyang nag-volunteer na samahan akong mag-enroll?

"Ayoko na lang mag-enroll Adrian. Mag-LOA na lang ako kesa naman sa sumama ako sa lalaking di ko kakilala at baka pagtripan pa ako. Sa ganda kong ito, siguradong pagnanasaan ako ng Tristan na yan." Nakuha ko pa talagang magbiro kahit seryoso na ang sitwasyon.

"Sophie naman, hindi naman ganun si Tristan---"

"Kilala mo ako Adrian. I don't talk or mingle with strangers," I said as I exhaled. "Remember the last time you introduced a guy to me? Di ba naisugod sa ospital nang paluin ko ng kawali?" I laughed thinking about the incident. Ako yung tipo kasi na namamalo pag ginugulat. Tumawa din si Adrian sa sinabi ko. Sa lahat ng pinsan ko siya ang close ko. Kaya nga sa kanila ako ngayon nakikitira dito sa probinsya.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon