Natatawa ako.
Basta natatawa ako sa ginawa kong pagpayag sa deal na sinabi ni Christopher. Eh kasi seryosong-seryoso siya sa destiny na yan, na para bang nakasalalay doon ang kinabukasan niya. Natatawa din ako kasi pinatulan ko pa ang kalokohan niya kahit dapat ay hinayaan ko na lang siya sa pagkalulong niya sa destiny-destiny niyang yan.
Now that I think about it, para pala kaming mga bata na nagkasundo sa isang kakaibang laro. Naisip ko nga, normal pa ba kaming dalawa ni Christopher? Weird na rin ba ako nito? Why on earth would we really agree to something so irrational as that?
Yes, nakaka-touch at nakaka-flatter na may isang taong ganun ang tingin sa'kin, na ako ang destiny niya. In fact overwhelmed nga ako eh kasi first time 'to para sa akin. Pero nakakahiya din na pinatulan ko pa 'yung mga paniniwala niya kasi alam kong tatawanan lang ako ng ibang tao 'pag malaman nila ang pinagkasunduan namin ni Christopher.
Umatake naman ang wild imagination ko at na-picture ko agad ang posibleng eksena kapag nagkatotoo nga 'yung hula ni Ate Merls at maging boyfriend ko nga si Christopher.
Nai-imagine ko na nasa isa kaming okasyon na maraming tao at kami ang magka-date. Tapos bigla kaming tatanungin ng mga tao tungkol sa relasyon namin.
Paano naging kayo?
Ah, eh kasi nagkatotoo ang hula ng isang tindera sa school na labintatlong beses kaming magkakatagpo ng hindi namin pinagpaplanuhan. Ang sweet di ba?
Bigla akong naiinis 'pag naiisip ko yun, kasi ang cheap ng idea na yun ang dahilan kung bakit kami magkakatuluyan ni Christopher. Kahit naman hindi ako romantic na tao ay nangangarap din naman ako na balang araw ay may makikilala akong lalaki sa buhay ko na magpapaniwala sa akin na hindi lang puro kakornihan ang true love at lalong hindi lang kaechusan 'yung destiny at forever.
Pero hindi, talagang pumayag ako sa idea ni Christopher ng destiny. Naloloka din ako minsan sa sarili ko. Feeling ko nga ibang nilalang 'yung naka-chat ni Christopher sa Facebook na pumayag sa kaechosan ng destiny na yan.
Kaya nagdesisyon ako. Naisip kong kahit sumobra pa sa labintatlo ang beses na magkikita kami, hindi pa rin ako makikipagrelasyon sa kanya KUNG wala akong feelings para sa kanya. Babaliin ko na lang ang pangako ko kung kinakailangan.
Hindi ako magi-guilty dahil hindi naman ako mabait na tao in the first place. At saka bakit ang parents ko, hindi rin naman nakatupad sa mga pangako nila. So why should I be righteous?
So I decided that when the time comes that Christopher and I would finally meet thirteen times, I should have also fallen in love with him that time or else our deal would be considered null and void. And at the current situation, falling in love with Christopher was still so farfetched.
***
Bukod kay Christopher, isa pa sa mga gumugulo sa isip ko ay itong crush ko na si Philip. Dahil classmate ko siya at palagi ko siyang kasama, parang automatic na rin na naging close kami sa isa't-isa.
I noticed that he wasn't as close to our other classmates as he was with me, and that makes me think of how he thinks of me.
It was clear that he genuinely enjoys my company kasi sinasabi niyang natutuwa daw siya sa'kin kasi pinapatawa ko siya. Hindi naman siya ganun ka-close sa iba naming classmates. Friendly siya sa kanila pero pansin kong ako ang palagi niyang sinasamahan 'pag vacant period namin, lunch break o kung may gagawing homework sa library. The rest of his time, he was with the Student Council at andun pa rin naman ako kasama siya, kasi sinasama niya ako doon dahil close na rin ako kina Tristan, Denise, at Zoren. Nagsimula na nga kaming tuksuhin ni Philip nung tatlo, na mag boyfriend na daw kami. Tinatawanan lang iyon ni Philip at di ko maiwasang ma-disappoint.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...