Tinitigan ko yung lalaki sa harapan ko nang maigi. At ganun din siya sa'kin. Kapwa kami hindi makapaniwala na kaharap na namin ngayon ang isa't-isa.
I was totally speechless. Of all the times that we met accidentally, ito yung pinakagusto kong mangyari kahit na ito din yung pinakaimposibleng mangyari.
Pero nangyari pa rin, Sophia. Megash, ibig sabihin ba nito, magiging boyfriend ko talaga itong lalaking nasa harapan ko...in the near future?
Waah! Nakakakilabot na!
Parang...parang sinasadya na ng tadhana na magkita talaga kami ng hindi sinasadya!
At teka, pang-ilan na nga ba ito? Di ba pang eleven na 'to?
So dalawang accidental meeting na lang?
WAAH!
Naputol naman bigla ang pagka-shock ko sa pangyayari nang biglang hawakan ni Christopher ang mukha ko.
"It's really you. Ikaw nga talaga!" Sigaw niya sa'kin at bigla na lang akong natawa dun. Ewan ko ba sa shungang self ko. Nasa tubig pa rin kasi kami at suot ko pa rin yung goggles ko na bigla niyang tinanggal. Nailang pa nga ako nang gawin niya yun kasi mas nagkalapit yung mga mukha namin. Halos hindi na nga ako makahinga eh.
Peste ganito pala talaga ang feeling nang nagpipigil ng kilig. Tumi-teenager. Kaloka.
"Uy. Magsalita ka naman, Sophie," sabi niya sa'kin. He was smiling. "Bakit para ka nang naestawa?"
"Bakit hindi?" Sagot kong medyo napalakas ang boses. "Eh nandito ka?"
"Oo nga naman. Akalain mo yun. Magkikita tayo dito. Ikaw nga yata talaga ang destiny ko," sabi pa niya sabay kindat.
Pulang-pula na ako. "Pano ka kasi napunta dito?"
"Sumakay ako ng bangka."
Binatukan ko siya. "Malamang! Alangan namang nilangoy mo lang papunta dito? What I mean is, paano mo nalaman na nandito ako?"
Naguluhan yata siya. "Ha? Hindi ko alam na nandito ka."
"Really?"
"Really."
"Cross your heart mamatay ka man? Hindi mo talaga alam na nandito ako?"
Umiling siya na tuwang-tuwa talaga. Tapos nagtaas pa siya ng kamay niya na parang nanunumpa. "Promise. Mamatay man ako. Hindi ko talaga alam. Ni hindi ko nga alam na nasa isang isla ka pala. Heto ako at nag-snorkel lang dito at tumitingin sa mga isda tapos biglang may makikita akong sexy na naka-two piece underwater tapos pag-ahon ko mula sa tubig ikaw na pala yun--- aray Sophie!" Sabi niya sabay reklamo nang hampasin ko yung ulo niya.
"Bastos ka, tinitingnan mo 'ko sa ilalim?"
"Nag-snorkel lang ako. Malay ko bang nasa harapan na pala kita pero sexy ka talaga Sophie--- Sophie oo na! Tama na masakit!"
Pulang-pula na talaga ako habang tawa lang siya nang tawa kahit binatukan ko siya. Ang saya-saya na niya talaga dahil sa nangyari. At ako din naman, sobrang saya ko. Sino ba kasing mag-aakalang magkikita kami ulit nang ganito kabilis? Parang kanina lang eh sigurado na akong hindi ko na siya makikita pa kahit kelan.
"Christopher. Pano ka napunta dito sa Canigao? Akala ko ba paalis ka na?"
"Malakas kasi ako kay Lord."
"Ha?"
"Pinagdasal ko kasi talaga na sana eh magkita pa tayo," paliwanag niya. "Tinupad naman yun agad ni Lord. Kagabi dumating sa Manila yung Uncle ko na nasa US at sinabi niya sa'min ni Lola na sabay-sabay na kaming babalik ng US."
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RastgeleSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...