Chapter Twenty Five

717 36 4
                                    

I cried and cried in his chest. I just can't contain what I was feeling, so I cried like it was the last time I was going to cry.

"What do you mean, Sophie?" Narinig kong tanong sa'kin ni Christopher. Dahil nakayakap ako sa kanya, hindi ko nakikita ang facial expression niya. Pero alam kong sobrang confused din siya sa ginagawa ko ngayon.

That's the reason why I looked at him. "Christopher, ilayo mo ako dito," hikbi ko at natigilan dun si Christopher.

"Why? What happened? May nanakit ba sa'yo?"

"Basta..." sagot ko. "Please?"

He looked at me seriously with a very concerned expression on his face and he started to wipe my tears with his hands.

"Okay, ilalayo kita dito. But first, tell me why you want to leave this place. And second, please stop crying."

Tumango ako. Pinilit kong tumigil sa kakaiyak at sinubukan kong mag-open up sa kanya tungkol sa Mommy ko. It was hard trying to talk without crying but I did. Ganun ko kagustong lumayo. Pinagpatuloy niya ang pagpahid sa mga luha ko kaya na-distract tuloy ako dun nang konti.

"N-Nandito ang Mommy ko..." sagot ko sa kanya. "Ayoko muna siyang makita..."

Tumaas ang mga kilay niya dun sa sinabi ko. I knew I sounded so vague and that it didn't answer his query at all. But I just don't want to be hurt again.

"Sophia! Sophia!"

"Sophie!"

Napalingon ako dun sa mga boses na tumatawag sa'kin at nakita ko ang Mommy ko at si Philip na papalapit na sa'min. Kaya hinila ko na ulit si Christopher at nagtatakbo na ulit kami palabas ng subdivision.

Buti na lang at hindi na ako pinigilan ni Christopher at hindi na rin siya nagtanong pa. Basta dire-diretso lang kami hanggang sa gate ng subdivision kung saan siya nagpaalam sa'kin one month ago. Pagkalabas namin sa highway, agad kaming pumara ng jeep at sumakay kami doon. Naupo kami sa pinaka dulo. Nakahinga lang ako nang maluwag nang umandar na yung jeep.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong sa'kin ni Christopher pagkabayad niya ng pasahe sa driver.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Gusto ko lang magpalipas ng sama ng loob. Teka, saan ba papunta itong jeep na 'to?"

Nagkibit-balikat si Christopher. "Ewan ko rin. Hindi ko natingnan kung saan 'to papunta. Basta nagbayad na tayo ng pamasahe."

Medyo natawa ako doon. Hindi man lang pala kasi namin na-check kung saan papunta itong jeep na nasakyan namin. Epic fail na naman ako. Natawa din tuloy si Christopher.

"Para tayong nasa isang novel," komento niya pa. "Yung part kung saan magliliwaliw ang mga bida ng hindi nila alam kung saan sila patungo."

I nodded. "Parang ganun na nga."

Natahimik na muna kami. Hindi ganun karami ang pasahero sa jeep pero lahat sila nakatingin sa'min ni Christopher. Nakikinig sa pinag-uusapan namin. Nainis tuloy ako.

Bigla namang umakbay sa'kin si Christopher at nagulat ako dun, pero hinayaan ko na lang. Todo alalay din siya sa'kin nang mapagpasyahan naming bumaba sa downtown area malapit sa mall at may kakaibang kuryente ang nararandaman ko every time na ginagawa niya yun. Nakakapangilabot yun sa pakiramdam, by the way.

Tumunog ang phone ko habang naglalakad kami sa downtown kaya pinatay ko agad yun. "Sorry Philip," bulong ko sa phone ko, "pero hindi ko muna sasagutin ang mga tawag mo. Alam kong kasama mo ang Mommy ko eh."

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon