Chapter Forty

642 42 13
                                    

"Ready ka na?" Tanong sa'kin ni Adrian nang bumaba na kami sa sinakyan naming taxi. Nasa harapan na kami ng Terminal 3 ng NAIA dala-dala ang mga maleta namin.

I stared at the building with much apprehension before I nodded towards my cousin. "Welcome back to us," nakangiting tugon ko sa kanya although may bigat pa rin sa dibdib ko sa kaiisip na eto na, babalik na nga talaga akong Tacloban.

"Sophie, ayoko pang umalis..." kunwari hikbi naman ni Denise sa tabi ko at tinawanan siya ni Adrian. "Pwedeng dito na lang ako sa Manila? Mami-miss ko talaga si future husband!"

"Mataas ang standards ng kapatid kong yun sa babae," hirit ko kay Denise kaya sinimangutan niya ako. Nito kasing nakaraang mga buwan ay uma-acting akong tutol sa kanilang dalawa. "Kaya hindi ka nun papatulan kung hindi ka magpapatuloy sa pag-aaral."

"Alam mo Sophie ang harsh mo na."

Ngumiti ako. "O tara na nga at pumasok na tayo sa loob. Ayokong ma-late sa flight ko no!"

Pumasok na nga kaming tatlo sa loob. At gaya nang in-expect ko, parang may pumapasan sa likuran ko habang naglalakad ako patungo sa counter ng airline na mag-uuwi sa'ming tatlo pabalik ng Tacloban after eight months.

Napahinga ako nang malalim. Marami na rin kasi ang nangyari mula nang umalis kami doon pagkatapos ng bagyo. Bumuhos na ang tulong sa Tacloban at lahat-lahat. Unti-unti nang bumabangong muli ang siyudad na nasalanta ng bagyo.

I can't help but reminisce how broken we were, when we arrived here from that tragic place. Agad kaming nag-undergo sa stress debriefing ni Adrian at Philip pagkabalik lang namin ng Manila. Nakatulong naman siya, pero siyempre hindi nun nagawang burahin yung mga masasakit na ala-ala. Binalak pa nga kaming ipa-theraphy ni Daddy pero umayaw lang kaming magpinsan. Hindi naman kasi kami umabot sa puntong nabaliw na kami. Oo, nawalan kami ng mga minamahal sa buhay, pero kinakaya naman namin yun.

Ilang araw lang ang lumipas nang nakarating kaming Manila ay nabalitaan ko naman mula kay Philip na nandito nga rin daw sa Manila si Denise. Wala na raw mapuntahan si Denise dahil patay na ang buong pamilya niya nang madatnan niya ang mga ito sa Palo. Malayo din yung mga lugar ng iba niyang kamag-anak kaya nakituloy siya sa tinutuluyan ni Philip. Siyempre, naawa ako at magdamag kaming nag-iyakan nang dalawin ko siya doon kina Philip. And a month after, wala na namang mapupuntahan si Denise dahil aalis na pala ng bansa ang pamilya ni Philip. That's when we took Denise in.

Katulad ni Adrian, matagal bago naging okay si Denise. Siyempre, buong pamilya niya ba naman ang nawala. But I think it helped that she was living with us, or rather with my brother, na crush pa rin daw niya. Muling bumalik yung saya kay Denise. Presence pa nga lang ni Uly ay nagba-blush na siya. Kaya naman heto na, ready na ulit siyang magbalik sa Tacloban.

Si Adrian naman, well, hindi pa rin siya maka-get over sa pagkawala ng Nanay niya, (kahit ako naman) pero at least ngayon bumalik na yung pagiging palabiro niya. Siya din yung pinaka may gustong bumalik na kami ng Tacloban sa aming tatlo. Gusto niya na rin kasing mag-aral.

February nung muling magklase sa school, pero hindi na kaming tatlo bumalik that sem. Nag-file na lang kami ng LOA o Leave of Absence dahil lahat kami nun nag-agree na hindi pa namin kayang bumalik sa pag-aaral after ng dalawang buwan lang. Masyado kaming nasaktan at na-trauma. Kaya for eight months, nasa Manila lang kami.

Sumakto ding nag-shift na ang academic year sa UP that time; imbes na June yung simula nung klase ay naging August na, kaya ang tagal ng bakasyon namin. Wala kaming ginawa kundi ang maglakwatsa sa kung saan-saan. Napunta pa nga kaming Hong Kong nung June, courtesy of Daddy. Talagang ini-spoil kami ng parents ko na desididong makabawi sa'min ni Uly, kaya kahit papano masasabi kong naibsan na rin yung sakit na dinulot sa'kin nung supertyphoon na yun.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon