Para akong na-paralyze sa upuan ko pagkabasa ko ng comment ni Flynn Ryder.
Siya nga talaga si C.K. Tiu! Waah! Nakakahiya naman!
Pero teka, paano naman pala kami naging friends sa Facebook? Hindi ko naman ugaling mag-confirm ng mga friend requests 'pag hindi ko naman kakilala at lalong hindi ako nang-a-add ng ibang tao na di ko naman talaga kilala sa personal.
Kaya paano ko naging friend itong si Flynn Ryder dito sa Facebook?
Kaya ang ginawa ko, nag-comment na ulit ako.
Sophie Villamor: Hoy ano na Flynn Ryder how did we became friends???
Andami agad ng mga nag-like doon at may iba pa ring nag-comment.
Yeng Saldana: Ayy, si Flynn Ryder nga si Christopher Tiu?
Denise Marjorie Tan: Yiee! Sophie, siya ba si Christopher King Tiu?
Nag-reply ako kay Denise.
Sophie Villamor: Oo Denise! Siya ngaaa!!!
Marami na namang nag-like tapos andami ulit nag-comment kaya ang nangyari, sabog ang notifications ko. Hindi ko napigilang basahin yung iba pang comment.
Marvin Torres: Ows, classmate ako ni Christopher at alam ko wala siyang fb account...
Gino Teng: Poser ata yung Flynn Ryder...
Dionne Manalo: Di na nagcomment yung Flynn Ryder kaya alam na! :D
Tristan Perez Jr. : Hoy Flynn Ryder kaibigan ko si Sophie kaya wag kang manggulo!
Philip Canillas: Sophie, wag ka na lang maniniwala sa mga poser-poser na yan. :) :) :)
Bigla naman akong nag-blush sa comment ni Phillip. Napangiti ako kasi nag-aalala siya sa'kin. Pero bothered pa rin ako dahil hindi na nag-comment ulit yung Flynn Ryder!
Dumami pa ang nakiusyuso at mga nag-comment sa thread ko at umabot na sa mahigit 400 ang nag-comment. Halatang lahat sila gustong malaman kung si Flynn Ryder nga ba ay si Christopher King Tiu din na napaka-elusive. Sa dami kasi ng interesadong malaman kung siya nga ba talaga yung Flynn Ryder ay mas lalo lang akong naniwalang sikat nga sa school ang pagiging misteryoso niya. Hinintay ko na mag-comment ulit siya pero offline na siya kaya binasa ko na lang yung ibang comments. Yung iba kinikilig daw sila kasi pinansin daw ako ni Christopher King Tiu pero may isang nag-comment na nagpainit talaga ng ulo ko.
Harlene Vasquez: As if naman kasi Christopher would notice someone just lyk that. Duh? He's not going to talk to strangers. Obvious namang may crush yung nag-send nito kay Christopher at nagpapapansin lang!
Para naman akong sumabog na bulkan pagkatapos kong basahin yung comment ng Harlene Vasquez na yun. Sino ba 'tong bruhang ito at mukhang galit na sa'kin kahit di pa kami nagkikita?
But unluckily for her, I'm not the type of person who will let what happened pass that easy. Kapag inaalipusta o iniinsulto ako lalo na at alam kong hindi totoo ang pinagsasabi nila ay lumalaban talaga ako. Yes, I am a natural-born fighter and I fight for my right. Kaya dun ako mismo nag-reply sa comment niya para mabasa niya agad ang wagas kong reply.
Sophie Villamor: Whoever you are, Miss Harlene Vasquez, I usually don't care what trash like you say about me because I don't care at all pero pinalalabas mong nagpapapansin ako and I can't forgive that. For the record, hindi ako nagpakilala nang sinulat ko itong post ko in the first place at kaya nga dito ko sinend kasi ayokong makilala. Hiyang-hiya ako sa nangyari at kung ako lang I would've wanted to remain anonymous. Nagkataon lang na nabasa ng pinsan ko 'tong post na 'to at tinag niya ako. So don't you ever conclude na nagpapapansin ako to whoever that C.K. Tiu is. I mistook him for someone that's why I'm saying sorry to him. I didn't know how to contact him to say sorry personally that's why I wrote this.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...