I thought that it was Christopher.
The one serenading me. For a moment I really thought that it was him.
Pero nang makita kong si Philip iyon ay na-disappoint ako ng konti. Konti lang naman.
Siguro kasi hindi sumagi sa isip ko na kayang gawin ni Philip yung mga ganitong mga pakulo, at nasanay akong si Christopher ang gumagawa ng ganitong mga eksena. Gusto kong i-justify yung disappointment ko kasi hindi ko gusto yung pakiramdam. Si Philip ang gusto ko kaya hindi dapat ganito ang pakiramdam ko. Whatever.
Kumaway si Philip sakin habang kumakanta siya kaya napangiti ako at kumaway din. At nakilala ko kung sino ang mga kasama niya, sina Zoren, Denise, at Tristan. Agad akong nahiya sa kanila dahil lahat sila ay nakangisi sa akin ngayon. At alam kong bonggang tuksuhan ang magaganap mamaya.
"Naks, Sophie," tudyo sakin ni Adrian tukmol na nakangisi rin. "Manliligaw mo pala si Philip? At old school siya ha. Harana talaga? Pero teka, si Philip ba yung crush mo?"
Siyempre agad akong namula. Ano ba to, pabigla-bigla naman kasi itong si Philip. At talagang dito pa niya sa bahay ginawa kung saan makikita ng ungas kong pinsan.
Pinakinggan ko na lang siyang kumanta. Okay naman ang boses niya. It was not bad, but I would be lying if I said that his voice was better than Christopher's.
Napailing na lang ako dahil naisip ko na naman ang lalakeng yun. Hay, Sophia, si Philip dapat ang iniisip mo! Siya ang gusto mo!
Narinig kong pumalakpak sina Tita Raya at Adrian at dun ko nalamang tapos na palang kumanta si Philip kaya pumalakpak na din ako.
"Ang ganda naman ng boses mo iho," nakangiting bati ni Tita Raya kay Philip.
"Salamat po Tita. Good evening po sa inyo," sagot naman ni Philip. Pati sina Tristan ay binati kami.
"Good evening din sa inyo, Philip. Ang cute naman na hinarana mo si Sophie. Iilan na lang sa mga kabataan ngayon ang gumagawa ng ganyan. Kaya natutuwa ako. Halikayo, pasok kayo."
At pumasok na nga ang apat sa bahay. All the while ay todo ngiti sakin si Philip. At ako naman, kinilig sa kanya kahit papano. May binigay kasi siyang isang bouquet of roses at tumili pa si Denise na kinikilig dahil dun.
Pagpasok nila ng sala agad namang dumiretso ng kusina si Tita Raya at gagawa daw siya ng meryenda. Naupo kaming lahat sa sofa at sandali kaming natahimik.
Ang awkward kasi. Ano pala yung tamang gawin pagkatapos kang haranahin ng manliligaw mo?
Sa mga pelikula at teleserye alam kong nag-uusap yung babae at lalake pero bigla naman kaming nagkahiyaan ni Philip. Namumula din siya at halatang kinakabahan kahit papano. Ako naman, hindi rin ako umiimik kasi hindi ko naman alam kung anong gagawin. Saka, ako ba dapat ang magsisimula ng discussion sa pagitan namin?
Mukhang naramdaman naman ni Adrian yung awkwardness sa amin ni Philip kaya bigla niyang inimbita sina Zoren, Tristan, at Denise sa kwarto niya at doon daw muna sila para makapag-usap kami ni Philip. Nahiya pa ako kasi tinukso na naman nila kaming dalawa. Pagkaakyat nila, natahimik bigla ang sala at yung ingay na lang ay mula sa kusina.
"Amoy fried chicken," biglang sabi ni Philip na napatingin sa kusina. "Heavy meal na ata ang niluluto ni Tita Raya."
Natawa ako. "Ganun dito sa bahay. Bumibili talaga kami ng puro drumstick lang tapos meryenda lang namin yun. Tapos sinasawsaw namin sa chili sauce."
"That sounds good," sagot niya.
Tumango naman ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Para kasing nautal ako bigla at nahihiya ako kay Philip. Which was weird because I was never shy in front of him. Siguro kasi sinabi na niyang gusto niya ako at nanliligaw na siya kaya nahihiya na ako. Ganito pala yung feeling, pakshet, ng nililigawan at naninibago ako kasi parang ang uncomfortable ng sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...