Chapter Twenty

900 53 10
                                    

I was a very competitive student before. I was a consistent honor student, a student-athlete, at palagi akong sumasali sa iba't-ibang school-related competitons noon and many times, nananalo ako.

Ganun lang talaga ako. I was never shy when it comes to academic activities dahil na rin siguro sa alam ko naman yung kakayahan ko. I was always confident with my intelligence and abilities. Lalo na nang naipasa ko yung UPCAT, mas lalo pa akong naging competitive.

But when I experienced what it was like to study in UP, I came to realize one thing. Hindi pala ako ganun katalino. Kung noong una akala ko ang galing-galing ko na, kung dati akala ko ang tali-talino ko na, pagtuntong ko ng UP gumuho ang image na yun sa utak ko. Ang daming mas matalino sa school. Ang dami kasing mas magaling. At ang daming mas competitive. In fact, I underwent a psychological phase that can be called as a self-disenchantment--- yung sudden realization na hindi ka pala magaling. Compared to other students, average lang pala ako. Yung masyado pala akong naging bilib sa sarili ko, kaya nang makatagpo ko na yung ibang tulad ko, naging insecure ako bigla at naging doubtful sa kakayahan ko.

After that painful realization, kinontrol ko na din yung sarili ko. Siyempre, ayokong mapahiya. Ayoko ring matawag na trying hard. So instead of trying to be the best, I just strived hard to survive. Pinilit kong hindi mapag-iwanan, pero hindi naman yung sobra-sobra to the point na nagmumukha na akong masyadong grade conscious. I didn't want to be frustrated if ever I didn't excell, kaya naging kuntento na lang akong maging isang dilligent student.

Yung tipong nag-aaral naman, gumagawa ng mga kailangang gawin and all, but not much unlike nung high school na halos makipagdigmaan pa ako makuha ko lang yung highest score. Nagre-recite na nga lang ako ngayon kung talagang alam ko yung topic, kasi mahirap makipagdebate sa ibang UP students na sobrang magagaling na akala mo eh nilululon yung mga libro kapag nagre-recite. Kaya naman naging kuntento na akong maging isang normal na estudyante.

That's why I was shocked with myself. Nung bigla akong tumayo sa Philo 1 class na yun at mag-recite doon sa tinatanong ng reporter (which happened to be Christopher), nagulat talaga ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung anong nakain ko para mag-recite at umeksena ng ganun. Alam kong nadala ako sa mga patamang examples ni Christopher pero kahit pa ganun, hindi pa rin yun sapat para gawin ko yung ganun.

Matapang ako eh. Matibay. Confident. Hindi ako madaling masaktan. Pero bakit ganun?

Bakit ako nasaktan?

Bakit ako naging affected sa mga pinagsasabi ng lalaking yun?

For all I know hindi niya naman talaga ako pinatatamaan. Baka ako lang itong tinamaan. Pero bakit ako tinamaan?

When did I become so weak? So vulnerable? At bakit ako umiiyak ngayon dito sa cr?

Why?

***

Panay ang ring ng phone ko habang nasa cr ako at umiiyak pero hindi ko yun pinansin. Tawag nang tawag si Philip. Alam kong sinundan niya ako palabas ng classroom pero dahil nasa girl's cr nga ako, hindi niya ako nasundan. Kaya siguro worried na din siya sa'kin. Umiyak ba naman ako at mag-walk out sa klaseng naki-sit in lang kami, sinong hindi mag-aalala sa akin? Baka mamaya iniisip ni Philip may topak na'ko.

But I didn't want to talk to him right now. I didn't want to talk to anyone. This is the cliche part where I wanted to be alone. But I know, Philip will not let me. Kukulitin niya ako. Kaya nagtext ako sa kanya.

Sophie: Philip, ok lang ako if that's what you want to know. Uuwi na lang ako. Kita na lang tayo bukas sa class.

Agad siyang nagreply ng 'ok' with a smiley. It was a good thing that he didn't asked more. Hindi na rin siya nangulit pa. Dahil dun, mas lalo akong humanga kay Philip. Gusto ko yung mga tipo niya, yung marunong rumespeto ng privacy at space.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon