Gusto kong replayan si Flynn Ryder ng, 'It's not my fault that you can't forget me. Stop pestering me dahil hindi na ako natutuwa sa'yo' pero siyempre nagi-guilty pa rin naman ako kaya ayun, imbes na replayan ko siya ay nag-deactivate na lang ako ng Facebook account ko.
Kung magre-reply pa kasi ako, mas lalo niya lang akong kukulitin kasi sinasagot ko pa 'yung mga messages niya. Kaya naisip ko, i-deactivate ko na lang 'yung account ko. Wala naman siyang karapatang magalit kasi ang napagkasunduan lang naman namin ay hindi ko siya i-unfriend o i-block. Eh di mag-deactivate ako ng account ko. Ang smart mo talaga Sophie.
Tutal hindi rin naman ako ganun ka-adik sa mga social networking sites kaya keri lang na di ako mag-fb ng isang siglo. Isa pa, ayoko na rin sa sudden attention na nakuha ko mula sa post ko sa Albularyo Files. Ang dami na kasing nag-add sa'kin tapos may mga nagme-message pa. Eh ayoko pa namang ganun. Gusto ko private pa rin 'yung account ko.
Pero pagpasok ko ng school kinabukasan, nagulat na lang ako kasi andaming nakatingin sa'kin. Yung mga girls sa isa kong GE class narinig ko pang nagbubulungan sa likod ko.
"Yan si Sophie, yung nakasama ni Christopher."
"Ang swerte niya 'no? Kabago-bago niya dito pero napansin siya ni Christopher. Samantalang si Harlene first year pa lang tayo sige na ang pagpapapansin dun pero waley naman."
"Oo nga, sabagay may face naman siya," sagot ng isa. Lumingon ako sa kanila at ngumiti ako at agad naman silang nag-iwas ng tingin. Mga lokaret na 'to, pinag-chismisan pa 'ko. Pero in fairness, na-gets ko na kung bakit parang high blood na high blood sa'kin 'yung Harlene Vasquez. May gusto pala ang hitad kay Christopher King Tiu. Eh di magsama sila! Bakit nadamay pa 'ko sa kaechusan nila?
Pagkatapos ng class ko marami namang nag-hi sa'kin na mga boys na di ko naman kilala. Nginitian ko na lang sila dahil ayoko namang isipin nila na isnabera ako at nagmamaganda porke't nakasama ko si Christopher. Hindi ko naman kinaganda ang pangyayaring yun at hindi ako proud doon.
"Naks, andaming fans ah," bati sa'kin ni Philip pagpasok ko ng classroom namin. Naupo ako sa tabi niya. Wala pa ang Prof. namin kaya mega chikahan muna kami. Tinawanan ko na lang 'yung tinuran niya.
"Ay grabe nga eh," biro ko. "Bukas mamimigay na ako ng fan sign. Ikaw baka gusto mo?" I joked, laughing.
Tumango naman si Philip. "Sige ba! That would be wonderful," nakangiting tugon niya at nailang naman ako bigla. Eh kasi naman 'yung ngiti ni Philip parang ang sarap ulamin, ano ba yan.
"Joke lang yun," pagbawi ko sa sinabi ko kasi baka mamaya naniwala na siya.
"Gusto ko pa rin ng fan sign mo Sophie. Bumilib kasi ako sa'yo dun sa comments mo. Ang tapang mo." He grinned at me at nag-blush pa ako. Tumawa na lang kami hanggang sa dumating yung Prof. namin.
After class ay niyaya naman ako ulit ni Philip sa office nila dahil may meryenda daw doon at hindi naman ako tumanggi. Kesa naman kasi sa tindahan ni Ate Merls ako yayain ni Philip eh ayoko naman doon at baka magkita pa kami ni Christopher King Tiu tapos iisipin niya na namang destiny kami.
Pagdating namin doon sa office nila ay agad akong inintriga nina Zoren, Tristan, at Denise tungkol kay Christopher habang kumakain kami ng homemade fries at crispy kangkong.
"Alam mo Sophie kinikilig talaga ako sa inyo. Biruin mo, friends na pala kayo sa Facebook dati pa? Tapos nakita ka lang niya sa People You May Know section?" tanong ni Denise na namimilog ang mga mata.
"Tapos napagkamalan mo siyang ako," dugtong pa ni Tristan. "Too much coincidence lang ba ang nangyayari sa inyo o destiny na nga ba ito?"
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...