Ngiting-ngiti na naman si Christopher kaya kanina ko pa gustong maasar sa kanya. Ang kaso naman, malaki pala ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko rin siya magawang tarayan man lang. Nakatulala lang tuloy ako sa kanya habang iniaabot niya sa'kin yung pesteng libro.
Diyos na mahabagin bakit ba ganito ang buhay ko? Asan ang hustisya? Asan ang poreber? Na kay Christopher ba talaga ang poreber ko? Forever niya na ba akong bibigyan ng mga ganitong moments?
"Sophie. Isoli mo na yan. Sige na... yung fine..."
Dun ako natauhan. Leche, kailangan ko na pala talagang maisoli yung book!
Kaya kahit pulang-pula na yung mukha ko sa hiya, at kahit parang nang-aasar yung mga tingin at ngiti ni Christopher Kim Chiu ay binitbit ko na yung libro at dinala ko yun sa Circulation desk. Nanghinayang pa ako sa eighty pesos na pinambayad ko sa fine nung libro. Isang meal na din kasi yun. At ang nakaka-bad trip pa ay hindi ko man lang nabasa yung librong yun dahil nga nawala na yun sa utak ko. Ugh. I swear, hindi na ako hihiram ng book kung hindi ko naman talaga babasahin. Besides, may pending books pa ako sa bahay na binili ko sa National Bookstore.
Pagkatapos kong maisoli yung book ay bumalik ako sa table namin ni Christopher. Kumakaway pa siya sa akin at nahiya na naman ako dun dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Oo nga pala, si Mysterious Christopher King Tiu nga pala ang kasama ko. Natural interesado ang mga tao.
"Nakasimangot ka na naman. Hindi ka ba masayang naisoli mo yung book na yun?" Tanong niya pagkaupo ko sa tabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako bumalik sa kanya when I know na puro kahihiyan lang naman ang aabutin ko sa kanya. Kung hindi niya lang talaga hawak yung book...
"Oy, Sophie. Mag-react ka naman. Kanina ka pa tulala since nung nalaman mong nasa akin yung book. Teka..." at heto na naman yung matagumpay niyang ngiti...
"Ano?"
"Hindi kaya kinikilig ka na?"
"What?"
"Kinikilig ka nga," sagot niya sabay nguso sa'kin. "You're blushing again."
"Alam mo ikaw, napaka-optimistic mo. Grabe."
"Wala kasing masama kung aminin mong kinikilig ka... Hindi mo naman kawalan yun..."
Ang taray talaga ng lalaking ito, hanep sa confidence!
At alam kong hindi talaga ako titigilan nito. Kaya kailangang may gawin na ako.
"Christopher."
"Hmm? Ano yun?"
Pinagmasdan ko ang expression ng mukha niya at tuwang-tuwa talaga siya sa mga nangyayari.
"Gusto mo ba talaga ako?"
"Yes," sagot niya agad.
"Sure na sure ka na ba diyan?" Tanong ko pa.
"Oo naman. Why?"
Huminga muna ako nang malalim.
I'm always a passive person. Kung papipiliin ako kung may gagawin ako sa isang sitwasyon na nakaka-apekto sa'kin o hahayaan ko na lang, I would choose na hayaan ko na lang. Ignoring and letting things pass was my art.
Patunay doon ang hindi ko pagsama sa mga rally, (which in a way ay ikinahihiya ko na ever since noong napasama ako dun sa rally sa Ched), yung pag-alis ko ng Manila, at itong kakulitan ni Christopher.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...