Chapter Thirty Four

611 31 7
                                    

Kapag sinabing may paparating na bagyo, natutuwa ako agad dati dahil iisa lang ang ibig sabihin noon. Maka-cancel kasi agad ang mga classes namin. Sadyang bahain sa Valenzuela kaya konting ulan lang ay suspended na agad yung classes sa'min.

Kaya nang marinig ko kanina sa airport na may paparating na bagyo, hindi naman ako sobrang nabahala. Akala ko uulan lang ulit nang sobrang dami tulad ng nangyayari nitong mga nakaraang araw. Sino bang mag-aakala na ganito ang mangyayari?

Hindi rin ako mahilig sa mga disaster movies dahil feeling ko ay kapag nanonood ako nun ay tinatakot ko lang ang sarili ko for no reason. Pero ngayon pumasok na sa isip ko na sana nanood man lang ako kahit isa sa mga ganun para may idea man lang ako kung anong gagawin sakaling ma-experience ko yun.

Yung nangyayari kasi ngayon, hindi na kapani-paniwala at iisipin mong nasa pelikula ka. Ngayon lang ako nakakita ng alon na mas mataas pa sa mga puno at mga buildings. It was horrifying.

At ang kaninang patag na kalsada ay puro tubig na ngayon. Nakakatakot talagang pagmasdan ang mga nakikita ko at hindi pa rin ito rumiristro sa utak ko na nangyayari nga talaga ito. Kanina lang ay ang ganda pa ng panahon. Pero sa lakas nang pag-agos ng tubig mula sa dagat papasok ng siyudad ay tinangay agad kami nito kasama na ang taxi na sinakyan namin.

Nabubuhusan ako nang napakaraming tubig kaya tinangay na ako nito palabas at palayo sa taxi. Kapag tumatama sa'kin ang alon ay lumulubog ako sa ilalim ng tubig at doon pa lang ay iniisip ko ng hindi ako magsu-survive. Iisa lang ang nasa isip ko: katapusan na ng mundo at mamamatay na ako.

May tinamaan akong matigas na bagay at dun ako nagkaroon ng chance na makakapit sa isang lumulutang na bagay. Isa yung malaking kulay pula na cooler ng softdrinks ang palutang-lutang sa tubig kasabay ng lahat ng bagay na inanod ng mga alon papasok sa siyudad. Kumapit ako doon at sumampa ako rito. Nakahinga na rin ako sa wakas nang maayos. Akala ko ay katapusan ko na kanina.

"Sophie! Sophie!"

Napalingon ako doon sa sumisigaw. Nakita ko si Christopher sa kaliwa ko, nakahawak din sa isang malaking bagay na lumutang. Automatic akong sumaya nang makita ko siya dahil iba na ang nasa isip ko kanina.

"Christopher!" Sigaw ko din sa kanya pabalik. Hindi naman siya ganun kalayo sa akin pero dahil tinatangay kami ng agos ay imposibleng malangoy ko siya doon. Tiyak tatangayin ako ng agos kapag subukan ko ngayong lumangoy papunta sa kanya. At kung hindi ako malulunod ay malamang babangga naman ako sa mga matitigas na bagay na posible kong ikamatay.

"Sophie! Nandito lang ako! Don't panic, okay? Makakaligtas tayo dito!" Sabi niya. He looked so worried and fear was clearly etched on his face.

Tumango ako sa sinabi niya at hinigpitan ko ang hawak ko sa cooler na siyang kinakapitan ko. Pero hindi ko na napigilang maluha, bumigay na ako dahil takot na takot na ako.

Lahat kasi ng nasa paligid ko ay puro tubig. Rumaragasang tubig at lahat nang nadadaanan nito ay tinatangay at inaanod. May mga kotse at mga truck pa nga akong nakikitang nagpapalutang-lutang na din tulad namin. At maraming tao ang nakikita kong nalulunod, pinipilit na makaligtas o di kaya ay sinusubukang lumangoy papunta sa mga bagay na pwede nilang makapitan.

"Sophie! Kahit anong mangyari wag kang bibitaw diyan! Do you hear me? Wag kang bibitaw!" Sigaw pa ni Christopher sa akin. Nauuna na ako sa kanya at nasa bandang likod ko na siya. Tumango ako sa kanyang umiiyak. Somehow ay kumalma ako sa sinabi niya kahit pa sa totoo lang ay ako naman ang marunong lumangoy sa aming dalawa.

"Ikaw din!" Sigaw ko. "Wag mo akong iiwan!" I tried so hard not to cry again as I said that to him, but my tears were already falling down my cheeks.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon