Chapter Six

992 61 3
                                    

Nahirapan akong i-ahon mula sa tubig si Christopher. Bukod kasi sa mas malaki siya sa'kin, gulat na gulat pa rin ako na sa dinami-dami ng taong pwedeng malunod sa pool na ito ay siya pa talaga ang ililigtas ko. I know I might sound crazy but this destiny thing is starting to get scary. Muntik ko  na nga siyang bitawan at lumangoy palayo sa kanya.

But as a swimming instructor, naalala kong kasama sa mga responsibilities ko ang maging life guard din kapag kinakailangan kaya ginawa ko pa rin ang dapat kong gawin.

I tried my best to drag him upward. And then I swam to the edge of the pool where he was pulled by the girls who were standing by. Grabe, ang bigat ng lalaking ito! Nakaka-stress! Kahit nasa tubig kami ay nahirapan akong i-angat siya kaya mabuti na lang at tinulungan kami ng mga babaeng sumisigaw kanina at ng isang staff ng hotel na nagtatakbo papunta sa'min. Naihiga na namin siya sa semento at mukhang marami siyang nainom na tubig dahil wala na siyang malay at namumutla siya.

"Hala, okay lang kaya si Christopher?"

"Miss, mukhang di na siya humihinga!" nagpa-panic na sigaw ng isa pa sa mga babae. "Swimming instructor ka di ba? Bigyan mo na siya ng mouth to mouth! Dali! Kung alam ko lang kung pano gawin yun ay ako na lang sana ang gagawa!"

Agad akong nakapagtaas ng kilay sa sinabi ng babae. Kapag gwapo ba ang nalunod sa pool ay kailangan mouth to mouth agad?

"Miss ano na? Wag kang tumunganga lang diyan!" reklamo ng isa pang babae pero di ko sila pinansin. Inobserbahan ko na lang si Christopher at mukhang di nga siya humihinga at dun na 'ko kinabahan. Nagsimula kong diinan ang tiyan niya nang malakas para mailabas niya ang nainom niyang tubig pero hindi iyon naging effective. Ayoko man sanang gawin pero mukhang kailangan ko ngang gawin 'yung sinabi nung isang babae. At yun ang mouth to mouth resuscitation.

Huminga ako nang malalim. Tapos binuka ko ang bibig niya gamit ang kamay ko at hinipan ko yun ng hangin. Siyempre naglapat ang mga labi namin pero deadma na lang ako kahit parang gusto kong maglaslas na ngayon. Watdaef kasi, I'm technically kissing this guy!

Pinagpatuloy ko lang ang pagbuga ng hangin sa bibig niya (na in fairness ay mabango) ng bigla kong naramdamang gumalaw ang labi niya over mine at napaigtad ako nang bongga hanggang sa maitulak ko siya palayo sa'kin!

Naghiyawan ang mga babae na nasa tabi ko dahil sa nailuwa na ni Christopher 'yung tubig na nainom niya at napatayo siya agad.

"Oh my God, you're safe!" tili ng isang babae at lumapit siya kay Christopher na umuubo-ubo pa.

"Thank God you're fine!" sabi pa ng isa. Ako naman, bigla akong naasar dahil sa ginawa ng lokong lalaking ito!

He kissed me! He just freaking kissed me!

"Sophie..." mahinang tawag sa akin ni Christopher at mas lalo akong nainis. Nakangiti kasi siya na akala mo tumama siya sa lotto. Siyempre nainis ako dahil alam ko kung bakit siya nakangiti! Naisahan ako ng loko sa mouth to mouth na yun! Who knows, mamaya isang malaking palabas lang pala ito!

"You know her, Christopher?" mataray na tanong ng isang babae. Tumango naman ang loko. At dahil inis na inis ako, umalis na ako at mabilis na akong naglakad palayo sa kanila.

"Sophie wait!" habol niya pero di ko siya nilingon. Ewan ko ba, I just felt so irritated!

Binilisan ko ang lakad ko dahil nakasunod siya sa'kin.

"Sophie, mag-usap tayo!" halos sigaw na niya at lalo kong ikinainis yun.

"Layuan mo ako, Christopher!" I said almost screaming.

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon