The last days of my vacation were bad. Very bad. Yung 'something' sa'min ni Christopher ay nawala na lang bigla--- parang ice cream lang na binilad sa araw at hinayaang matunaw. Ang lousy ng metaphor ko I know, but anyway ganun talaga yung feeling ko sa nangyayari sa'ming dalawa ni Christopher dahil bigla na lang wala na kaming communication.
Ilang araw ko din siyang sinubukang i-contact pero hindi ko talaga siya mahagilap. I almost contacted Harlene just to ask for help but I dropped the idea and just cried and cried.
I never expected this to happen between us. At some point I was still hoping that he would finally give in and call me but he never did. That's when I started to hate him.
Oo, naiinis ako sa kanya dahil agad siyang naniwala kay Daddy. Naiinis ako dahil hindi niya pa nga naririnig yung side ko, eh bigla na lang siyang maglalaho nang ganun na para bang wala lang yung lahat sa pagitan namin.
Di ko siya maintindihan. Ganun ba talaga mag-isip ang mga lalaki? Nawawala ba talaga sila bigla pag naagrabyado o nasasaktan sila? Is this it?
Nakakalito dahil wala akong idea when it comes to this. At nakakabaliw yung feeling na gustong-gusto mo siyang tawagan o puntahan kaso wala kang magawa. Something tells me to avoid chasing him and just wait; siguro kasi babae ako at siya ang lalaki kaya siya dapat ang maghabol sa'kin. It's not about playing gender roles but about doing what we're supposed to do. Tutal kawalan niya rin naman kung hahayaan niya kaming ganito.
After all it was him that fell in love with me first. Mas may puhunan siya kumbaga. I just thought he would fight for that investment and come to me and sweep fme off my feet just like in those fairy tales.
But this is reality. This is non-fiction. Hindi ito isang fairy tale kaya walang ka-sweetang naganap dahil siguro sumuko na siya sa'kin. Baka umayaw na siya agad. Nakakapanghinayang lang.
I kind of understand him though. Baka inisip niyang wala na rin namang silbing ayusin kung anong mang meron kami dahil aalis nga naman siya ng bansa. Why waste his effort nga naman di ba? Nothing will change.
At saka baka inisip niya na dito na papasok yung thirteen ways na yan. Na kung kami nga talaga ang para sa isa't-isa, eh di magkikita pa rin kami at magiging kami pa rin talaga. Labing-isang beses na man na kaming nagkita accidentally. Dalawa na lang at magkakatotoo na yung hula. At kung hindi naman kami magkita pa ever, well, thank you very much na lang siguro.
Hindi ako umuwi agad ng probinsya. Marami akong naging dahilan pero ang pinakamalaking dahilan dun ay si Christopher. Wala lang, ayoko lang na makagawa ako ng mga impulsive na bagay. Nasaktan ako dun sa ginawa niya at ayokong ako yung unang gagawa ng paraan para magkaroon kami ulit ng communication. Magpapakababae muna ako ngayon. Kaya kung gusto niya talaga ako, gagawa siya ng paraan bago pa mahuli ang lahat.
Dito ako sa Manila inabutan ng Undas. Ang initial plan ko nun ay kina Adrian na ako magu-Undas pero dahil nga sa 'turn of events' ay mas pinili kong i-extend itong bakasyon kong ito. Karaniwang nasa bahay lang naman kami ni Uly. Minsan lumalabas kami at nanonood ng sine dahil mga movie buffs naman kami pareho. Pero madalas kain-tulog lang kami sa loob ng bahay. Isang beses naman nakipagkita kami sa isa pa naming pinsan (sa mother's side) na si Franceli at nagkatuwaan pa kami. Yun nga lang alam ni Franceli yung issue ko sa parents ko kaya hindi niya rin ako tinantanan ng mga advice niya.
Pero kahit anong pilit pa ng mga tao sa paligid ko na konsensyahin akong makipag-ayos na sa mga magulang ko ay umaayaw ako agad. Nakakasawa na lang kasing umasa na eto na, magiging okay na kami pero sila din ang gagawa ng ikasisira pa namin lalo. Look at what Daddy did. Siguro naman sapat na yun para lumayo ako sa kanila ulit. Nakakasawa na kasing masaktan.
BINABASA MO ANG
Thirteen Ways of Meeting Him
RandomSophie hated drama. Ayaw niyang magtiwala at mag-open up sa ibang tao. Inis na inis rin siya sa mga kakornihan ng mga tao ngayon. At hindi na rin siya naniniwala sa destiny. Or with anything that might make her vulnerable again. She was living on he...