Chapter Twelve

829 50 1
                                    

Napanganga na lang ako kay Christopher. Oh my siomai, kainin na sana ako ng lupa ngayon! Talagang tinanong niya ako ng ganun sa harap nina Tita Raya at Adrian!

"Christopher?" tanong din ni Adrian na mukhang nagulat. "Pamangkin ka ni Kuya Eric? At ano yung tinatanong mo?"

Halos tumalon na ang puso ko mula sa dibdib ko sa kaba. Sakin lang nakatingin si Christopher at parang galit talaga siya at biglang gusto ko siyang sapakin. Talagang ipapahamak ako ng lalaking ito!

"Ano, Sophie? May nangyari ba?" ulit ni Christopher sa killer question niya at gusto ko na talaga siyang sakalin. Pati yung electrician ay nakatingin na rin sakin at naloloka na ako.

"Wala, ano ka ba?" sagot ko na lang. Kailangan ko na kasing sumagot or else baka kung ano pa ang isipin nina Tita Raya. Mahirap na. "Nililigawan niya pa lang ako. Wala pang develoment samin." Yun na lang ang sinagot ko at nakita kong parang nalito si Christopher pero mukha ding natuwa.

"Ah, yun pala ang tinatanong mo sa pinsan ko," sabat naman ni Adrian na napakamot sa ulo niya. "Akala ko naman kung ano na."

"Magkakilala ba kayo?" tanong na rin ni Tita Raya sakin.

"Opo," sagot ko.

"Siya yung si Boy Mcdo, yung sumama kay Sophie nung enrollment?" dugtong ni Adrian. Wow ha, ipaalala pa talaga?

"Ah, ganun ba? Ikaw pala yun, iho. Pamangkin ka pala ni Eric."

Nag-usap na ulit sina Tita Raya at si Kuya Eric at nagtungo na sila sa fuse box namin. Susunod na sana si Christopher sa kanila kaso nagsalita si Kuya Eric.

"Kaya ko na'to, Christopher. Mag-usap na lang kayo ni Sophie. Diba siya yung gusto mo?"

***

Hinila ko palabas ng bahay si Christopher at dinala ko siya sa may garden namin. At mukhang nagtataka pa siya kung bakit ko siya dinala rito.

"Bakit tayo nandito, Sophie? Madilim rito. Teka, dont tell me gusto mong makipaghalikan? I would like that pero hindi pa ako ready, hindi pa tayo nagkakatagpo ng thirteen times."

Naestatwa ako sa sinabi niya. Ano raw?

Ngumiti si Christopher ng pilyo. "Pero sige, kung gusto mo namang makipaghalikan walang kaso yun---"

Binatukan ko na ang loko. "Anong makikipaghalikan? Sira ka ba? Dinala kita rito kasi gusto kitang kausapin!"

Parang nagulat naman siya. "Ha? Ganun ba?"

"Oo! Ano pa ba sa tingin mo?"

Napakamot din siya sa ulo niya. "Sorry. Na-excite lang. Aray! Wag ka namang manakit, Sophie!" reklamo niya kasi binatukan ko na naman siya.

"Hoy, Christopher Kim Chui, paano ka ba napunta rito? Paano mo nalaman ang address ko? Kinasabwat mo ba yung electrician? At saka gago ka ba? Bakit mo tinanong yung ganung tanong sakin? Sa harap pa nina Tita Raya! Gusto mo ba akong mapahamak?"

"Sorry, Sophie. Natakot lang kasi ako. Ang sabi mo kasi sa chat natin, napagod ka kay Philip."

"Napagod ako kasi naloloka ako sa kanya kasi nililigawan niya ako!" sagot kong naiinis.

"Ganun ba?"

"Oo! Ganun! Talagang pumunta ka pa rito para lang tanungin ako ng walang kwentang bagay na yun? Christopher, you almost gave me a heart attack!"

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon