Chapter Thirty

733 36 14
                                    

(A/n: yes opo, matagal yung update. Sorry po at medyo na-injury yung kamay ko.)

***

"Talaga bang sasama ka sa'kin pauwi, Ate?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Uly nang sabihin ko sa kanyang sasama nga ako sa kanya pabalik ng Manila. He was shocked that I easily made up my mind about it and he was happy about it.

Ako naman, kahit gulat na gulat din ako dahil totoo ngang nandito talaga ang kapatid ko, ay hindi na rin nagulat sa naging desisyon ko. Wala eh, pag pag-ibig na pala ang pinag-uusapan bigla na lang magbabago ang mga desisyon mo sa buhay.

Medyo nakakaloka.

Eh kasi naman, kahit pa galit pa rin ako sa parents ko, parang okay na rin lang sa'kin na makita sila sa Manila kung may chance din naman na magkikita kami ni Christopher. Kakaiba pala talaga ang kapangyarihan ng pag-ibig.

"Bakit Uly, akala mo talaga hindi ako sasama sa'yo?" Tanong ko na lang sa kapatid ko dahil ayokong mag-explain kung bakit ako sasama sa kanya pabalik sa'min. Baka tuksuhin lang ako nito pag nagkataon.

"Oo," pag-amin ni Uly. "Inexpect ko na talagang mahihirapan akong mapauwi ka. Kaya nga napasugod ako dito. Magpapatulong sana ako kina Tita Raya na kumbinsihin ka pa. Kaso hindi na pala kailangan. Salamat Ate ah."

Tuwang-tuwa talaga ang kapatid ko at dahil dun ay medyo naawa din ako sa kanya. Todo-effort kasi siya na mapag-ayos kami nila Daddy. Hindi niya pa rin kami sinusukuan.

"Kelan naman pala tayo uuwi?"

"Bukas Ate. Magbo-book na ako ngayon ng ticket. Okay lang naman di ba? Para makauwi ka dito sa Sunday."

"Sige, wala namang problema."

Ang nangyari, sinamahan ko tuloy siya sa downtown para kumuha ng tickets para sa pag-uwi namin bukas. Tuwang-tuwa din si Uly sa downtown dahil ngayon pa lang siya nakapunta rito. Nagpicture pa kami sa isang restaurant kung saan kami nagdinner.

May naisip naman akong kalokohan kaya inupload ko yung picture namin sa Facebook at tinag ko doon si Denise. At hindi nga nagtagal ay tumawag ang kaibigan ko nung pauwi na kami ni Uly ng Marina.

Nagsisisigaw siya nang kausapin ako. "Sophie! Waah! PANO mo siya nakasama? Asan kayo? Pupunta ako! Akin lang siyaaaa! Waah!"

Natawa na talaga ako nang bongga sa reaction ng kaibigan ko. "Uy, kalma. Pauwi na kaming Marina ng kapatid ko. At wag ka nang sumunod, obvious ka na masyado. Saka umuulan na naman. Mababasa ka lang."

Sandaling natigilan ang kausap ko sa telepono ko. "What? Kapatid mo siya?"

"Uh huh. And because of that, I changed my mind na pala. Hindi na ako boto sa kanya."

Nagtititili na si Denise. "OMG pano kayo naging magkapatid?"

"Grabe ka, sinasabi mo bang gwapo ang kapatid ko at pangit ako?"

"Hindi ganun, sister-in-law!" Sagot niya at bentang-benta sa'kin yun. "Shocked lang talaga ako. Yung future husband ko pala ay kapatid ng kaibigan ko! Parang destiny na itoo! How did this happened?"

Thirteen Ways of Meeting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon