Update Four

8.6K 148 4
                                    

MIMI POV

"Mimiiii! Grabe ah. Napakapossesive ng asawa mo. Samantalang siya ang daming tinitira. Unfair yun dibaaaaa" kung makatili tong si Nyx kala mo tanggal na ngala-ngala.

"Yeah yeah " papunta kaming mall. Uwian na namin kaso ayaw ko pa umuwi, may madadatnan na naman kasi akong di maganda sa bahay. At alam kong nag-aantay ng bagong BS ang mga readers kaso wala sa wisyo si author kasi 3am niya ginagawa tong chapter na to. At bakit ko ba sinasabi? Ewan.

" Oo dun sa likod ng school. Grabe kawawa na yung lalaki"

"Naku sabi kasing wag lapitan"

"Tigas siya ha. Kanina pa siya binubugbog dun"

Anong meron? Nagtatakbuhan lahat sa park sa likod. So? Makapagmall na nga. Bwisit lang. Istorbo sa utak. Istorbo sa kagandahan, ano konek?

"Miss! M-miss Venge." may lumapit sakin na batang babae. Siguro mga 6 or 7 pa lang. Preschool ang damit eh. Ano na naman?! Daycare naman ako ngayon? Tagatahan ng bata? Tinignan ko lang siya. Haaaaaay naman.

"Pakitulungan n-n-aman po kapatid ko-o. Please p-po" naiiyak na tong batang babae. Patay ba ako para iyakan sus. At ang dami naman atang lumalapit sakin ngayon.

"Aaah. Baby ano bang nangyari sa kapatid mo? Bakit kay ate Mimi ka humihingi ng help?" sabat ni Nyx. Ba naman, di ko na nga lang papansinin to eh, Nyx talaga sus. At ate? Like hello, di ko kaano-ano tong batang to.

"K-k-kasi po s-si kuya Nathan po binubugbog si kuya. Huhuhu" ayan umiyak na. Pinapatahan naman ni Nyx. She looked at me and gave me the puntahan-mo-na look.

"Fine" wala na rin naman ako magagawa. Taragis na lalaking yun, tagasaway ba ako nun. Malamang siya yung naririnig ko sa park. Istorbo. Bwisit, makikipagbasag ulo na nga lang, madadamay pa ko. Basagin ko dalawa niyang ulo eh.

Pagdating ko dun, artista ba siya? Ang daming tao tapos nagsisigawan. Yung totoo, ARENA ba to? Kala mo may nagsasabong na manok, wala nga ba?

"Kawawa yung lalaki. Diba siya yung lumapit? Kasalanan niya naman."

"Eh halos mapapatay na niya ata yung lalaki"

"Cool parin ni Nathan kahit galit"

Yung totoo, may cool bang nagagalit? Utak naman.

Hmmp. Sabunutan ko mga to dagdag noise pollution sa mundo. Nasisilip ko naman sila Nathan sa gitna. Sows. Kumuha ako ng bato tapos binato sa harap. Ayun sapul sa ulo. Bulls eye. Strike.

*gasp*

Halos lahat naman nagulat sa ginawa ko. Ultimo sa Nathan.

"SINO YUNG HINAYUPAK NA YUN?! HA?! GUSTO NIYA DING MAMATAY?!" Galit na sigaw ni Nathan. Pinagpag ko kamay ko tapos tumingin na sila sakin.

"AKO." Sagot ko. Nahati naman yung mga tao sa harap ko kaya naglakad ako papuntang gitna. Nasa likod ko si Nyx at yung bata. Nagsign naman ng lagot-ka si Nyx para kay Nathan.

Lagot talaga siya.

Nagulat naman si Nathan nung nakita ako. Bakit? Wala naman kasi akong pakielam sa mga business niya, i have my own business. Ewan ko ba at nangingialam ako ngayon. Feel ko lang, sama mo pa yung bata. Natigil si Nathan. Hawak niya parin yung lalaki.

"Mimi?! Anong ginagawa mo dito?" naging maaliwalas naman ang mukha niya, akala mo nakakita ng anghel. Bumait ang mukha.

"Wifey, naglalaro lang kami. DIBA?!"

Sinilip ko naman yung binugbog niya. Siya ata yung lumapit sakin kanina sa room. Alam na kasing bawal ako lapitan, lakas pa ng loob lumapit. Alam niya namang di ko rin naman sila papansinin. Ayan tuloy daig pa ang nagpabotox ng mukha, magang maga.

I looked back to Nathan. Tinaasan ko siya ng kilay. Ewan gusto ko lang magsungit ngayon. He knows I am waiting for his explanations.

Tameme naman siya tapos tumingin ulit sa lalaking inaway niya. So magtitinginan na lang kami dito?

"Oppa! Kenchana?" tumakbo naman palapit yung batang umiiyak. 

" Oh " sagot naman nung lalaki. Niyakap niya yung kapatid niya. Hirap na hirap nga gumalaw .

I am getting tired of this situation. Kaya tinignan ko si Nathan.

*sigh*

"Dont you dare come home later" with that, tumalikod na ako. Tinamad na ako mag mall. Panira ng mood mga tao.

"Hala ka Nathan! Badtrip si Mimi! Wag ka daw uuwi. Hahaha" tinawanan pa ni Nyx si Nathan.

"Tsch. Wifey! Sorry na, ui" Hinabol ako ni Nathan. Tse.

Manigas ka. Maghanap ka ng bagong lampungan area.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon