A/N: Aalis na si Sohee sa Wonder Girls. I feel like crying. Be WONDERFUL forever guys. Forever. Tapos dagdag mo pa yung mga taong one line reply ang PEG. Masarap magpatapon sa bundok ng Albanya diba? Additional di nagrereply, tara itapon na yan sa West Philippine Sea.
On the other hand, Merry Christmas guys! Umabot to ng Christmas! Akala ko dati wala pang 1 month buburahin ko na tong account ko eh. Hohoho :D
Dedicated sayo, kasi jusmiyo marimar, di mo parin ako nakikilala insan. *evil smile* secret lang natin ito ha?
MIMI POV
Its December 24 at busy na lahat sa pagpeprepare ng mga buena buena noche noche na yan. Halos isang buwan na ring tahimik ang buhay namin, as in tahimik na walang panggulo pero maingay dahil sa kalokohan ng ASAWA KO.
Ang sarap banggitin, ASAWA KO. Hohoho. Nadadamay na ako sa kalandian ng tagasulat nito. But isnt it fun? Walang panggulo, walang Raine na dumidikit sa asawa ko, and most of all, first time naming icecelebrate ni Nathan ang pasko ng magkasama. These past years kasi, kanya kanya kami magcelebrate, umuuwi ako sa amin while Nathan go out with his friends at nagbabar hopping bago umuwi sa kanila. This time, it would be different. How I wish next year at araw araw na ganito lang ang buhay. I guess talaga tinotoo na ni Raine ang mga sinabi niya sakin bago nag Christmas Break ang university. And guess what, we cannot be called enemies already, but we're not friends mind you. Pinarealize niya lang naman sakin yung side niya.
*Flashback*
Halos kaunti na lang ang pumasok ngayon, kasi naman last day of classes bago mag christmas vacation, pero ito kami, pumasok ang buong klase dahil walang patawad ang prof namin sa Calculus na magiging x2 daw ang absent kapag hindi pumasok ngayon. We, Nyx, Nemo and I, were walking going to the canteen when we found ourselves face to face with the most infuriating person in the world, Raine Manzano. Umiinit na ang dugo ni Nyx bago pa man makapagsalita si Raine, eh halos magsabunutan na sila noong party dahil sa ginawang kahihiyan nitong babaeng to.
"Hi Venge, can we talk?" she asked looking at me, then looked at my friends, "Privately?"
Tumaas naman ang kilay ko, kasabay ng pagsasalita ni Nyx.
"Bakit na naman Raine? Kulang pa ba yung panggugulo mo sa party noon?"
She smirked and looked at Nyx. "Kaya ayaw kitang kausap Nyx, is because in the first place, wala tayong pag-uusapan, and the second, hindi ikaw ang kinakausap ko." Nyx inhaled sharply at bago ko pa masaksakan ng kung ano ang bunganga ni Raine, sinaway ko na si Nyx.
"Let it go Nyx, I'll just meet you at the coffeeshop." Naintindihan naman ni Nemo ang sinenyas ko sa kanya na ialis na si Nyx kaya naman kinaladkad na niya ito palayo bago pa makapagreact.
"So Ms. Raine Manzano, what can I do for you?" mataray kong tanong sa kanya. Almost all of the students are giving us second looks and some are listening to our discussion.
"Not here Venge, we're getting the attention of others." at tumalikod siya bago naglakad papuntang park. I just shrugged, pasalamat siya good mood ako at kung hindi, baka hindi pa siya nagsasalita kanina, natanggal ko na lahat ng ngipin niya. I stood there, unmoving, noong lumingon siya with her questioning look.
"Excuse me, but you are asking for ME to talk to YOU. I guess it is just right for me to choose where we can talk." at ako ang tumalikod, naglakad naman ako papuntang rooftop. Actually bawal ang students doon, but who cares? Pwedeng pwede kong ilaglag doon si Raine kung gusto ko, at kakayanin ko. Pero dahil pasko at good mood ako, wala akong planong ganun, sa ngayon. I dont care kung sumunod siya o hindi, but then siya naman ang humihingi ng oras ko, better for her to follow me.