Its 2 in the morninggg when i wrote this! At talagang nakinig na ako sa mga love songs para may paghugutan ng emotions. Kaso sabaaaaaw talaga T___T Nakakainis pag BH. Taraaaay. Hahaha
Mimi POV
"Well bitch, its me." maangas kong sagot kay Raine. Napatayo na rin si Percy at hinarap si Nathan. So anong moment to at nagkita kita kaming apat. At sinabihan pa si Percy na kabit ko? Aba wag nila kami igaya sa ginagawa nila. We're friends. Just friends. Mga malisyoso eh.
"Hahaha. Look Nate. Ang akala mong napakabait na asawa, may tinatago rin palang landi sa katawan."
"At least kaya pang itago. Kesa sayo na lantaran na, kung kani kanino pa lumalandi"
"Mimi watch your words" ani naman ni Nathan. So pinagtatanggol niya pa si Raine. Oh well, siya nga pala ang ASAWA niya. Inirapan ko lang siya. Wala akong narinig ~~~~ nyenye.
"Lets go Percy. Contaminated na ang hangin dito." Patukoy ko kay Raine. Ngumiti naman siya sakin at nag sign ng go-go
"Hindi kailangan ng pa wholesome dito." Ani ni Raine.
"Riri stop it." Saway naman niya sa babae niya.
Pero teka. Bakit nga ba ako ang aalis? Eh kami ang nauna dito. Hindi. Hindi ako aalis. Manigas sila.
"I changed my mind. Pumili ka pa ng design Percy. Ill just wait here." At prente akong umupo sa sofa. Kumunot naman yung noo ni Percy at Nathan.
"Pero"
"GO" Nagkamot naman ng ulo si Percy at ngumiti bago pumunta sa killer heels area.
"Oh how sweet. Talagang bibilhan ka pa ng kabit mo."pang aasar pa ni Raine.
"Miss. Percy ang pangalan ko. Hindi kabit" nilingon siya ni Percy bago lumayo layo.
"Tulad mo." Pagdugtong ko sa sinabi ni Percy.
Inirapan lang ako ni Raine samantalang masamang nakatingin si Nathan kay Percy. Wala naman kaalam alam yung isa dahil sa pamimili ng sapatos. Trip nito?
"Really? Hahaha---"
"Akala ko bibili ka ng sapatos. Pumili ka na." badtrip na sabi ni Nathan kay Raine na ikinagulat naman niya. Ayan naputol tuloy ang malabruha niyang tawa. Hindi pala mala, bruha talaga.
"Pero samahan mo ko" at nag pout pa siya. Duck face pala, hindi bagay ang pout sa kanya.
"Pumili ka na susunod ako." Lalo namang sumimangot si Raine. Alam niya kasing sa tono pa lang ni Nathan, hindi na niya ito mapipilit. Nagdabog naman ni Raine at inirapan ako bago umalis.
Whatever.
"Ten inch heels bilhin mo. Para matapilok ka at mauntog yang ulo mo. Baka sakaling mabawasan pa kalandian mo sa katawan" pahabol kong banggit sa kanya at talagang nilingon niya pa ako. But then i gave her my evil smirk.
"Mimi."
Banggit NIYA. Eh sino pa ba, kami lang naman tong naiwan sa waiting lounge ng celine.
Kunwari naman akong walang narinig at tinawag ang attention ni Percy.
"Yung blue. Wag mong hahawakan yang pink ibabato ko sayo." I coldly told Percy at nag thumbs up naman siya.