Chapter Twenty Five

6.4K 113 8
                                    

Happy Birthday my ever loving supportive boyfriend GDragon. Hahaha wag nang kontrahin. Inspired akong gumawa ng update sapagkat ako po ay nakapanood na ng Percy Jackson: The Sea of Monsters. Though disappointed ako dahil tinanggal nila ang part ni Circe T______T. On the other hand, ang pogi ni Percy! Yung ovaries ko ilang beses nalaglag. Hahaha

Dedicated to you, thank you so much sa pag aappreaciate sa story ko. Thank you girl.  <3

MIMI POV

"Mimi waaaaaaaaah!" Iyak ni Nyx. Umuwi nga ako sa bahay, sumunod naman tong si Nyx sakin. Makikitulog daw. ABA PANO KAMI MAG UUSAP NI NATHAN NITO?!

Hina high blood ako sa babaeng to. Argh my nerves.

"Oh" abot ko ng panibagong box ng tissue sa kanya. Nakasalubong ko siya pauwi kanina na nakabusangot at nung nakita ako, ayun naglupasay na kakaiyak. Hindi ko naman alam rason nito. Baka natuluyan na. Tsk tsk.

"Ayoko na Mimi huhuhu ayoko na!" Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream. Kanina pa siya nagsasalita ng ayoko na pero di naman sinasabi kung anong inaayawan. Sila lang naman ni Nejii ang magkausap kanina. Baka ayaw na niya kay Nejii.

Eh matagal na niyang ayaw dun.

Ang inaalala ko bukod kay Nathan eh si Nemo. Wala akong background sa kung anong nangyari sa kanya at ganun na lang ang itsura niya kanina.

sigh

Napatingin ako sa orasan. 11:35 na wala parin si Nathan. Nakakailang gallon na kami ng ice cream ni Nyx na may uhog at iyak niya.

"Mimi waaaaaaaa--"

Sinupalpal ko yung isang tinapay sa bunganga niya. Napuno na ako eh sorry.

"Nyx alam mo hindi ko alam ang iniiyakan mo simula kaninang hapon. Matulog ka na nga!" Sigaw ko sa kanya. Umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo ko, samahan mo pa ng asar sa di pa pag uwi ni Nathan. Tsch. Nagmumukha tuloy akong asawa na nag aalala.

'Hindi ba?'

Oh shut up.

"Kashdirbeisndidn"

"Lunukin mo muna yan. At sabihin mo na kung ano yang inaayawan mo. Pag ako di nakapagpigil papasundo kita kay Nejii."

Nanlaki naman ang mga mata niya at nilunok agad yung tinapay sabay inom ng tubig.

"Mimi naman eh. Aakyat na nga ako." Malungkot niyang banggit. Akma na siyang tatayo nang pigilan ko.

"Aba aba, ako lang maglilinis nito?" Senyas ko sa sandamakmak na kalat sa living room namin. Samut saring gallon ng ice cream, mga pinagkainan, soda cans, etc etc. Bago kasi kami umuwi eh dumaan kami sa supermarket at bumili ng MGA pagkain.

"Kaya mo na yan Mimi. Hayaan mo muna ang pinsan mong BH. Lalamayan ko muna ang puso ko. Huhuhu. Alam mo namang--" Nag sign naman akong sige layas na. Magdadrama pa siya dito at ngangawa ng walang humpay.

Umakyat na siya sa guest room ng bahay namin. Napailing na lang ako sa kalat. ANG DAMI! Kung di lang talaga mukhang gusgusing bata na nakakaawa si Nyx ipapalamon ko sa kanya pati mga kalat niya eh.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon