Update Fourteen

7.4K 132 2
                                    

Nathan POV

Tumakbo ako palabas ng clinic ng nakangiti. Bakit ang ganda ng sikat ng araw ngayon?

Kanina pala yung sa clinic, hindi ko alam kung anong nangyari. Haha. Basta ang alam ko, i mean what i said. Kay Mimi lang naman ako ganun, i respect her kaya siguro wala akong naramdaman na L kanina, pero kung iba yun baka may nangyari na samin.

She is really different. Special siya. Minsan ko lang siya makita ngumiti pero contented ako na ako yung dahilan ng ngiti niya. Ang cute cute lang ng asawa ko.

Iniingatan ko siya, di lang halata. Ayoko kasing madamay ang pangalan niya sa mga kagaguhan ko. Tanggap ko naman na playboy ako at sex addict but not when i am with Mimi. Feeling ko siya lang kuntento na ako.

Ay kadramahan. Wag niyo na lang pansinin pinagsasabi ko.

Nakarating ako ng canteen. Tinamad na akong pumasok sa subject, andun lang si Raine.

Kung tatanungin niyo ako tungkol kay Raine, nirerespeto ko rin naman siya. Walang nangyari sa amin pero open siya na di na siya virgin. Ewan pero hanggang kinakapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya. Kaya nung pinapili ako kung sinong papakasalan ko, i choose Mimi. Ay pucha lagot ako kay author, secret pala yun. Ang daldal ko na.

Sa totoo lang ayokong kasama si Raine. Masyado kasi siyang possesive at assuming, daig pa si Mimi. Di naman niya ako pag aari. Kaya ayoko ring nagkikita sila ni Mimi, nagkakasakitan lang silang dalawa.

"Thanatos Death! Bumalik ka agad? Akala ko may klase ka pa?" ani ni Jack. Mahaba kasi ang breaktime nila kaya nakatambay parin sila sa canteen.

"Aba wala ka atang babae Jack?" tanong ko habang papalapit. Napansin ko si Kei na nanlulumo sa table at katabi niya si Nemo.

Si Mnemosyne, yung two week GF niya. Kung tutuusin maganda ito, geek nga lang at sinaunang panahon pa ang fashion. Masayahin si Nemo, nakakwentuhan namin siya kanina at feeling ko magiging kaibigan nila Mimi. Maganda kasi ang personality niya. Tinanong namin siya kung bakit kailangan si Kei ang maging 2 week BF niya, secret lang daw. Ang adik lang diba.

Umupo ako sa tabi ni Jack, si Nemo naman gamit ang ipad ni Kei at kasalukuyang naglalaro. 3rd year college lang pala siya. Si Kei naman ayun nagcecellphone.

"Wala nga. Natakot kay Chione kanina. Badtrip"

"Hoooy Jack. Anong badtrip sa kapatid ko? Ang cute cute nga nun" sabat ni Kei.

"Musta ang ilang hours ng pagiging loyal Kei?" tanong ko naman. Nagtawanan kaming lahat except sa kanya.

"Brad! Ang hiraaap?" reklamo ni Kei na umaarte pang mangiyak ngiyak.

"Ano ba kasing nakain si Mimi bakit pumayag? Worst tinakot pa lahat ng babae, ayan tuloy---ARAY NEMO!" reklamo pa ni Kei. Pinalo naman sa braso niya yung ipad na nilalaro ni Nemo.

"Anong sabi mo? Ha? Ha?" ayan at nagpapaluan na sila ni Kei. Parang kanina lang sila magkakilala at kung magharutan sa harap namin parang one month na sila. Kung masasabi niyong harutan ang ginagawa nila.

"Hoy hoy, kayong lovebirds for two weeks tumigil na kayo" saway namin ni Jack.

"Tse ka Kei!"

"Tse ka rin!"

"Mga dude aalis na nga ako, maghahanap akong babae, yung hindi kasing manang ng GF ko ngayon!"

"Sige! Lagot ka kay Mimi. Makakarating to!"

At napilitang umupo ulit si Kei. Haha may nahanap nang katapat to si loverboy!

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon