MIMI POV
Di ko parin matanggal sa isip ko yung sinabi ni Raine bakulaw kagabi. Aaargh.
"Sis. Okay ka lang? Kanina ka pa parang naiinis? Diba dapat ako muna ang naiinis ngayon? KASI NAMAN I AM ALSO GOING TO MARRY A FVCKER ONE!" Tili naman nito. Kelan pa ba ako masasanay?
"Nyx. Lower down sa voice please" nagpout naman ito. Alam ko naman ang situation niya, halos parehas lang kami. Ang pinagkaiba lang tanggap ko na nung panahon na yun. Aba pasalamat nga to si Nejii ang papakasalan. Palit na lang kami.
"At least sayo walang Ciana at Raine na pampagulo"
Tumingin naman siya na nagniningning ang mata.
"Oo nga no. Tara canteen! Libre kita" tapos tumayo na at tuwang tuwa naglakad. Tignan mo bipolar si gaga.
Sumunod na ako.
"You think you are capable?"
"Pagdating ng araw na yun,..."
"ARGGGH!! "
"Mimi okay ka lang? Bakit ka bigla biglang sumisigaw jan"
"Hah? Ah wala" err.
"Tara na nga Sis"
Should I really start? Ay ewan. Wag niyo akong pansinin.
Sabay na kaming naglakad ni Nyx. Pagpasok sa canteen, may kaguluhan sa gitna.
"Mimi tara tignan natin bilis!" Niyaya ako ni Nyx. Pero tamad ako kaya hindi ako nagpahila. Ano ako tsismosa?
"Kaw na lang"
"Eeeeeh. Di ako makakadaan pag di ka kasama. Bilis na"
"Kaw na nga lang Nyx. Ti--"
"I DARE YOU KENSHIN KEI SANTA ROZA TO BE MY TWO WEEKS BOYFRIEND." Bigla namang nagtawanan ang mga nasa canteen. Kenshin Kei? Si Kei yun ah. Aba may naghamon sa kanya. Sino kaya?
Tara silip! Hindi ako tsismoza, CURIOUS lang.
"Tara Nyx"
Naglakad na ako papunta sa gitna. Kinalabit ko tong nasa likod, ayaw tumabi eh.
*kalabit*
"Teka ano ba!"
*kalabit*
"Sumingit ka dun sa kabila."
*kalabit*
"Punyeta ano ba di na nga ako makasingit"
Nakatalikod parin tong lalaki.
"Tatabi ka o ako mismo maghahagis sayo sa tabi, tabi ng emergency ng hospital" ani ko. Nanahimik naman sa bandang likod at nagsilingunan naman sila except dito sa kinalabit ko. Tumakbo siya paalis ng hindi ko nakikita ang mukha. Swerte niya este matalino, di pinakita ang mukha.
Naglakad na kami papuntang gitna kaya nahawi naman ang mga tao.
"You dare, err, lady?" sagot ni Kei. Hindi naman kami napansin nung, ahm, babae? kasi nakatalikod siya. Nakita kami nung tatlong magbabarkada. Ngumiti sila sakin, nag sign naman ng hi si Nyx, tumango ako sa kanila except kay Nathan na nakangiti sakin. Tse inirapan ko nga. Malamang naalala na naman niya yung kagabi. Naku kumukulo dugo ko. Okay back to Kei and the, ehem, girl.
"A-ah. OO!" nag aalinlangang sagot nung, ehem, babae.
"Warning! Warning! Love War detected. Kei defense engage. Kapilyuhan started" nagsimula na naman si Nyx. Nakakairita yung ganyan niya. SWEAR!
"Hahaha. Whats your name first?" sumabay naman sa tawanan ang mga estudyante. Ako? Nanonood with my super famous poker face. Parang alam ko na kahihitnatnan nito ah.
*insert evil plan here*
"Aaah. Mnemo--" di na namin narinig yung sinasabi sa tawa ng mga estudyante. Punyemas. Wala akong paki kung mapahiya yung, ahm, babae, ang paki ko di ko naririnig yung sinasabi niya.
Dahil umandar ang katarayan ko, kinuha ko yung walang laman na baso, take note, babasagin, at binagsak sa floor. Napasinghap naman lahat, its my turn to speak.
"Tatahimik kayo o papatawag ko si Belo at iisa isahin yang bibig nyong tahiin"
*silence*
"Good" i said. Nagulat naman yung, err, babae sakin. Di niya siguro expected na nasa likod lang ako.
I gave them the sign go on and i sat beside Nyx who's sitting with Nathan and Jack.
"A-ah. MNEMOSYNE ANG PANGALAN KO!" sigaw naman niya. This is so funny!
"Nyx yung totoo kakambal mo ba sa kaingayan yan?" tanong ko.
"Mimi naman! Mas maingay kaya ako" sabay tawa at kindat pa siya. Hindi ko pinapansin si Nathan na panay titig at ngiti sakin. Tusukin ko mata nito eh. Ipamigay sa mga bulag.
"Mnenosyne huh? Me as your boyfriend? Sure kung papayag ang karamihan ng babae dito na maging committed ako" sabay smirk si Kei.
"no way! Akin ang Kei ko!"
"hell no! He is mine"
"im only thing on his mind"
"he thinks about me all the time"
"he got my love so no!"
Parang kanta na yun ah? Tse nevermind.
"Huh?" alangang sagot uli nung babae.
"See? Ayaw nila" Kei said.
Nagtawanan na naman sa loob ng canteen pati na si Jack at Nathan na may katabi nang babae at kung san san na napupunta ang kamay. Aba, kapal face huh, andito ang asawa hello? Tse. Bahala sila.
Napapahiya na si ate, its my turn to turn the tables.
*smirk*
hello evil plan.
Ang lakas ng loob ni Kei porke public sex property siya. Pwes, sumabay sa kalakasan ng loob niya ang pagkapilya ko.
Tumayo ako kaya nanahimik ang lahat.
"Sino nagdabi? I support her. Babae ako, AND I SUPPORT HER" pag uulit ko ng may diin.
"Ako din!" sali ni Nyx. Tumingin naman samin si Kei na gulat na gulat. Haha. Sorry ka. Tumingin din siya kila Jack at Nathan na parang nagsasabing slash nagsusumbong na wala kayong gagawin kay Mimi?. Umangat lang ang balikat nila at ngumiti, sign na WALA.
Napaangat naman ng ulo yung, ehem, babae at parang nagsasabing thank you with matching nakahinga ng maluwag na face. I dont need her face.
"Ehem. Pero kayo lang ang nag object, kaya wala parin" naibalik ni Kei ang postura at tiwala sa sarili but mind you, hindi magtatagal yan.
"Aaah. Bakit di natin tanungin? Sinong mag oobject sa dalawang to? SUBUKAN NIYONG ITAAS ANG KAMAY NIYO GIRLS" buong diin kong pagkakasabi.
Kei had his di makapaniwala face nung walang nangahas na magtaas ng kamay. Napahalakhak na lang tong tatlo kong kasama.
"So, I, the Ice Princess, pronounce you two in a relationship for two weeks. You two must be loyal to each other for the period of 14 days AND ANYONE CAUGHT FLIRTING WITH THESE TWO, WILL BE GIVEN PUNISHMENTS. DISMISSED" mabuti nang malinaw. Magbibigay talaga ako ng punishment sa dahudas na makikialam sa kapilyahan outcome ko. I dare them. Tatagain ko sila isa isa.
Ewan ko but i find them funny. Siguro nag eexpect lang ako ng pagbabago kay Kei.
Well.
Sorry ka Kei. Trip kita ngayon.