Sorry po :( super busy sa school works plus experimental thesis. Hirap ng graduating :( So here it is. Pinag iisipan ko pa yung last 4 chapters na lang siya at ipupublish na yung next story ko :D This part will be the "ang-daming-POV-Chapter" hahahaha. Enjoy.
NYX POV
"Naku Nejii, ilayo mo yang kapatid mo sakin, ihahampas ko yan sa puno ng Narra hanggang sa maputol" Singhal ko kay Nejii bago itapon yung mga pictures sa basurahan. Tinatanggal na namin yung mga pictures at ibang "landi" paraphernalia na nakadikit sa BB.
"I second demotion" gigil na banggit ni Chione habang nakatitig sa gate ng school kung saan lumabas si Nathan at Eisha.
"Guys, lets give Nathan a chance to explain. Kahit ako nagagalit sa nangyari, but aren't it unfair if we just judge him that easily? Though these pictures already give us a hint of what is happening, still, we need a better understanding, let Nathan tell us the truth." Pag rereason out ni Nemo kahit na halos mapunit na yung hawak niyang picture sa sobrang inis. Napatango naman yung boys at niligpit na lahat ng kalat.
Inakbayan naman ako ni Nejii, "Kapatid ko si Nathan, alam ko kung gaano niya kamahal si Mimi, pero hindi ko siya kakampihan sa kagaguhang ginawa niya." He stated in front of us.
"Tara na, hintayin na lang din natin si Nathan sa bahay nila. I guess wala na tayong lahat sa mood pumasok. Chione ihahatid na kita sa klase mo" Ani ni Jack, inakbayan niya ito pero tinanggal din agad ng bata.
"Ayoko, wala na rin akong ganang pumasok, sasabihin ko na lang na may practice kami." Iritableng sagot ni Chione.
"Pero--"
"Okay. Tara na" sabat ni Kei. Hindi ko alam pero siguro nararamdaman niya ding di na dapat namin pilitin pumasok si Chione or else siya na ang susunod na mag wowalk out.
Naglakad na rin kami papunta sa kanya kanyang sasakyan at nagdrive papunta kila Nathan.
NATHAN POV
(relax muna, wag niyo munang murahin yung mahal kong si Nathan. Hahaha)
Shit.
Shit.
Shit.
Fuck.
Fuck.
Fuck.
Damn.
Damn.
Damn.
Yan lang yung mga salitang pumapasok sa isip ko. I am mentally hurting myself for what happened and what will happen next.
Tanga.
Bobo.
Walanghiya.
Gago.
Inutil.
Sinaktan mo lang naman yung taong nagmamahal sayo.
Yung taong napagtiisan lahat ng kagaguhan mo.
Yung taong tinanggap ka kahit na sirang sira na pagkatao mo.
Tangina mo Nathan. Bobo ka!
At hinampas ko na naman ng malakas yung manobela.
"Naith? Are you okay?" Paghawak sakin ni Eisha sa braso. Oo nga pala nandito pa siya, ihahatid ko pa siya.
I brushed her off. Napayuko naman siya at napahawak na lang sa sinampal ni Alia. Naawa naman ako sa kanya, pero dinaig ng galit at pagsisi ko yung awa na nararamdam ko ngayon. Kung hindi niya kasi ginawa yun, at depotang hindi ako pumayag, hindi sana nangyari to.