Update Forty Two Part II

4.6K 93 25
                                    

I miss you guys T____T after 1234567 years nakapag watty din ako huhuhu. Nakakapanghina ang thesis, pero at least na tapos na siya :3 hohoho. Sorry for this supeeeeeeer late update. Hope you like it guys.

PS. Tamad po talaga ako mag proofread :(

---------

Mimi POV

"Cruz, Nemesis?"

"Here"

"Cruz, Thanatos?"

*after 20 seconds*

"Not here" sagot naman ni Nyx. 

"Mrs. Cruz, care to explain why would your husband commit 5 straight days of absences?"

I shrugged then the prof shooked her head and moved on to call other names for her attendance. 

Aba ano bang isasagot ko? Sa hindi ko alam kung saang lupalop nagtatago yung hinayupak na yun. Wala man lang apology bigla biglang nawawala at hindi pumapasok. Pero minsan nakikita ko naman siya sa field na ang daming papel na hawak.

Pakialam ko nga ba?

Siya nga na hindi NA ako pinapakialaman eh papakialaman ko pa?

Siguro ganito na lang talaga, back to the old days, walang pansinan, mind our own business.

Five days.

Oo, five days.

Five days straight na hindi kami nag uusap o nagkakatinginan man lang. Once ko lang siyang nakita, nung nasa field siya.

Five days din akong hindi umuwi sa bahay namin. Well, sino pa bang babalik sa bahay na yun sa mga nangyari?

Aaminin ko sa inyo, five days na din akong hirap matulog at hirap huminga. Feeling ko isang malaking box lang yung ginagalawan kong paligid, nasusuffocate ako. Yung mga tingin ng mga tao, bulungan nila, sanay ako dun, yun nga lang, sanay ako na kasama ko siya tuwing maririnig ko yung mga bulungan. Yung kahit na sandamakmak na chismis yung inaabot namin, hihigpitan lang niya yung hawak sa kamay ko, keber ko na sa kanila. Eh ngayon? Leche naman kasi bakit niya ako sinanay, eh bakit nga ba ako naging dependent sa kanya?

AY EWAN. May split personality na ata ako. Sa limang araw na yan humihiwalay na ata kaluluwa ko sa katawan ko.

"Mimi, kakain ka mamaya sa----"

"Nope Nyx. You can go there all by yourself" sagot ko sa kanya. Hindi ko na siya pinatapos kasi naman, isang linggo na siyang nangungulit na bumili kami ng food sa canteen at tumambay sa field. Ang init init dun juice ko, para kang bina barbeque.

"Aah. Okay." Para naman siyang nanlumo. Wala ako sa mood para sa pangungulit niya, "eh sa quad----"

"No. Wala akong ganang kumain"

After that nanahimik na lang siya. Ewan ko ba dyan, alam niya namang hindi ako makakausap ng matino kapag ganito ang mood ko pinipilit niya parin. Don't worry, hindi naman sumasama loob niyan ni Nyx, bilhan ko lang yan ng isang box ng chuckie bati na kami.

Natapos ang subjects namin na nakikipagdaldalan lang si Nyx sa iba. Ako naman naghheadset lang in between classes. Nung free time na namin para kumain, una ng lumabas si Nyx, ako naman pumunta na sa tambayan ko, saan pa ba? Edi sa Mini Lake.

Nakaheadset lang akong naglalakad hanggang makarating sa lake. Eto na siguro yung defense mechanism ko sa feeling na grounded ako sa lugar na to. Music para wala kang marinig, para wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo, kahit na sa sarili mo aware ka na pinag uusapan ka at pinagtatawanan. Hurts.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon