MIMI POV
"Mimi okay lang yan, part yun ng pagiging Cruz niya" Nyx said patiently. Its friday at isang linggo na rin ang nakalipas simula nung meeting with Chairman episode. At halos isang linggo na ding hindi ko nakakasama ng maayos si Nathan. Paano, after class, hindi na niya ako nasusundo dahil sa company training niya with Eisha at pag uwi niya, bagsak agad sa kama at tulog. Pagdating ng umaga, sabay kami sa room, pero every vacant namin kausap niya lagi si Eisha regarding sa mga business maters.
"Yes, the company training part, pero yung susunduin pa niya si Eisha or si Eisha ang susundo sa kanya dito sa school, kasama pa ba yun?" sumbat ko kay Nyx na napahilamos na lang ang kamay sa mukha niya.
"Really, totoo ngang kapag inlove ang mga tao, nagiging possesive." bulong niya sa sarili niya pero halatang parinig sakin ng babaeng to. "Mimi, syempre gentleman si Nathan, susunduin niya yung teacher niya kasi babae yun. Saka ano ba te, anong klaseng pagseselos ba yan."
"So kapag sinusundo dito si Nathan, gentlewoman din siya?" sagot ko sa kanya at tuluyan na siyang humiga sa kama at nangisay ngisay sa inis. Kanina pa kasi tong usapan namin at paulit ulit na lang dahil sakin. I let out a heavy sigh.
Hindi sa makitid ang utak ko, alam kong kailangan ni Nathan yung company training na yun, pero sana naman hindi siya yung kahit kasama ako, iba yung iniisip. Gets niyo?
Hindi ako possesive na ipinagdadamot si Nathan, naiintindihan ko na part ng training na makasama niya si Eisha because she is his trainer, pero hindi ko maiwasan na kabahan, lalo na't almost perfect na si Eisha at iba talaga yung kaba ko. Mukha namang mabait si Eisha, laging ngumingiti sakin, at alam niyo yun? Napakabait na aura at pag-uugali kahit na tignan mo lang siya kaya wala akong karapatang awayin siya.
Or at the very least, napaparanoid na lang talaga ako na kanina pang sinasabi ni Nyx. Sino ba naman ako para kainisan yung taong tumutulong na maging isang future best businessman si Nathan at napakabait pa samin. Makitid nga utak ko, at posessive.
Friday ngayon at cut ang classes ng 3pm kaya pumunta muna ako dito kila Nyx. Wala naman kasing Nathan na sumusundo at kakausapin ako sa bahay, mababaliw lang ako kapag mag isa ako. Mag iisip lang ako ng mag iisip. Tulad ngayon, kaya dapat kulitin ko na si Nyx.
Kinalabit ko siya at humarap sakin.
"Sa tingin mo possesive ako?" nanlaki naman ang mga mata niya at sinabunutan ang sarili. Tumayo at nagpapapadyak pa siya, exagg to si Nyx ah.
"POR DIOS POR SANTO NEMESIS VENGE CRUZ! Ilang beses mo nang tinanong yan! Nakakabaliw ka magselos! Bababa ako! Kukuha akong pagkain dahil tinuyo mo ang utak, puso, lalamunan at ang buong katauhan ko! Maygad!" sabay labas ng kwarto si Nyx. Napaupo na lang ako at natawa sa kinilos ng best friend ko.
Sana nga possesive ako, at sana napaparanoid lang ako.
Sana wala lang tong kaba na nararamdaman ko.
NATHAN POV [Its a miracle! May POV na ULIT si Nathan!]
"I think this covers all what you need to do for this week. But still, can you provide time tomorrow, Saturday? We still need to make some arrangements to your application as a part time rank and file employee in the company." Eisha stated as we sip our coffees here in Chairman's adjacent office. Tinignan ko lang siya at ngumiti naman siya sakin. Napakamot na lang ako sa batok ko, ang hirap pala ng company training na to. Saka hindi ko nakikita yung inspiration ko T__T. Hindi ko na nakakasama si Mimi, bihira na lang kami magkausap. Tapos pati bukas kailangan nasa company padin ako?