MIMI POV
Ilang araw na rin ang lumipas matapos yung pagpunta ko sa beach, and i see a lot of differences. Not good but BAD. Literally.
Napapansin kong lagi nang magkasama si Raine at Nathan. Halos di na rin kami nag uusap ni Nathan sa bahay. Hindi kami sabay kumain at halos lagi siyang wala maghapon kahit walang klase.
After pala nung pagliliwaliw ko sa beach, kumalat na yung balita tungkol sa nangyari. Nadagdagan pa, Ayon sa balita DAW, mas pinili ni Nathan si Raine kesa sa asawa niya.
Tama naman in a sense that mas pinili niyang puntahan si Raine sa mga oras na nasa beach ako at nag iisip kung kaya pa ba naming isalba tong marriage na to.
Nag ddinner date sila ni Raine habang ako, nagdeclare na ng war against Raine over Nathan. Yung mga oras na narealize kong unti-unti ko nang minamahal si Nathan, sila ni Raine ang magkasama. In the end mukha akong tanga na nag aakalang kaya ko pa.
*sigh*
Tama ba yung mga desisyon ko sa beach nun, or kailangan ko lang tanggapin na dapat hayaan ko na siya. DO i need to do the same thing? Ang lumayo na sa kanya ng pa unti unti? I dont know what to do anymore. Ngayon lang ako na blangko sa buong buhay ko.
Ang hirap manghula, infairness.
*sigh*
Pag nakikita ko silang magkasama ni Raine, nakangiti si Nathan, that smile na hindi ko kayang iprovide. Siguro mas masaya siya kapag carefree yung taong kasama niya.
TEKA?
Carefree? Si Raine? Sagad sa carefree yung babaeng yun.
Minsan nga nung magkasama kami ni Nyx nakita namin silang kumakain ng ice cream. Nagtatawanan at nagtitikiman pa ng flavors nila. EEW. Doon nagkwento si Nyx ng mga bagay bagay na nahagilap niya sa pag titsismis.
Kay Nyx ko nabalitaan na araw araw silang lumalabas ni Raine, nakikita ng mga taga university na kapag walang klase madalas mag shopping yung dalawa. At sa isip isip ko, nung mga panahong hinahanap ko siya at gusto kong kausapin, namimili siya ng mga lintik na damit kasama si Raine. Ibuhol sa kanila yung binili kong dress eh. Pakshet.
Minsan nga nadulas sakin sa Nyx, sabi niya na hindi na rin masyadong nagkikita sila Jack, Kei at Nathan dahil sa pagsama niya kay Raine. Nabalitaan na rin niya na AKA GIRLFRIEND na daw ni Nathan si Raine well in fact dineny naman ni Nathan iyon.
Nyx even confronted me one time...
"Mimi, ano ba yang asawa mo. Puro Raine ang inaatupag, kahit sila Kei nagtatampo na. Mahal ka ba niyang asawa mo o ano? Kasi ako nahihirapan sa mga balitang kumakalat. Malilintikan talaga yang Raine sakin kapag nasaktan ka na"
I just dismissed her just like the old days na parang wala akong pakialam kay Nathan, but deep inside me, nagtanong ako sa sarili ko, MAHAL BA AKO NI NATHAN? KASI AKO NAHUHULOG NA.
*sigh*
"Ano ba yan Mimi. Ang lalim ng mga buntong hininga mo, di ako makaconcentrate sa libro na binabasa ko" ani ni Nyx.
Oo nga pala. Nasa mini-park kami sa likod ng school. Yung malapit sa clinic. Tahimik si Nyx kasi nagbabasa siya ng EONA na book. Ganyan naman yan, tatahimik lang pag may fiction book nang nasa harap niya. Didikitan ko na nga ng libro yan sa mukha para manahimik na.
"Just mind your book Nyx" mataray kong sagot sa kanya. Istorbo siya, ang lalim ng mga iniisip ko eh. Bastos.
"Yeah yeah yeah. Nga pala, may balita na naman ako sa asawa mo ah, nag ovenight daw kila Raine? Sagad sagaran na yan Mimi, kaya mo pa ba?"