MIMI POV
"Open....Close....Open....Close......Open.....Close......ARRRGH" Nasa tapat ako ngayon ng main door ni Nyx. Nagdadalawang isip parin ako kung bubuksan ko ba o hindi yung pinto. Pinto pa lang yan, wala pa sa gate.
Nawiwindang na ako kung lalabas ba ako o hindi. Malakas parin yung ulan at hangin. LALABAS AKO.
Hinawakan ko yung doorknob. HINDI AKO LALABAS.
Waaaaah! Windang na windang na ang kalooban ko! Kanina kinuha ko yung susi kahit na wala sa balak kong kunin yun. Tapos bumaba ako sa hagdan kahit na sabi ko sa sarili ko matutulog na ako. Jusmiyo may sumasanib na ata sakin. -__________-
Pabalik balik ako ng lakad sa tapat ng pinto. LALABAS NA TALAGA AKO.
"I will make it clear first. Lalabas ako kasi nag-aalala ako bilang tao. Kasi kahit sino kung makakakita ng ganitong sitwasyon, tutulong. Lalabas ako kasi obligasyon ko bilang isang mamamayang Pilipino na tumulong sa nangangailan. Lalabas ako hindi dahil kay Nathan. Lalabas ako kasi baka mamaya may mangyaring masama sa kanya, kargo konsensiya ko pa. Lalabas ako kasi.....ARGH! BASTA LALABAS AKO!"
Nabigla na lang ako nung nabuksan ko na yung pinto. Tumambad sakin yung lakas ng hangin at ulan. Malaki ang frontyard ni Nyx kaya ilang hakbang din para makarating sa gate. Mababa lang ang gate na Nyx, kayang kayang talunin ng isang tao, kaya naman kitang kita rin si Nathan. Wala namang problema sa security dahil exclusive subdivision din ito. Teka, bakit napunta sa bahay ang usapan, mabalik tayo sa scene.
Halatang nagulat din SIYA nung buksan ko ang pinto, at mas nakakagulat na ako talaga ang lumabas sa pintong yun. Before opening the door, inayos ko na ang expression ng mukha ko. POKERFACE.
He looked at me with those guilty eyes. Hindi siya nakipagtitigan sakin, yumuko agad siya na parang nahihiya. Sino ba namang hindi mahihiya sa pinaggagagawa niya. Huminga ako ng malalim at kinuha ang payong sa gilid.
I started to walked towards the gate, towards him. Kahit gaano kalamig at kalakas ang hanging humahampas sakin, i feel numb. Numb but concious of my own feelings. As i step closer to him, I can feel pain and anxiety. Kahit kalamado ang appearance ko, sa loob ko akala mo may bagyong nakikigulo.
Relax Mimi. Relax. Hingang malalim.
I stopped in front of the gate. Ano Mimi ngayon ka pa mag-aalinlangan buksan yung gate? Errr.
Binuksan ko yung gate at binulsa yung susi. Hindi siya gumagalaw at nakayuko lang. I stepped forward so that my umbrella would cover for him. Sana pinagana niya muna utak niya para sana wala kami sa ganitong sitwasyon.
"Get inside" I coldly told him.
"Sorry--"
'Don't talk, I didnt ask for words. Get inside." Pag-uulit ko. Tumalikod na ako kaagad, baka di ko mapigilan sarili ko mayakap ko pa siya. Dahil basa na rin siya, sayang lang effort kong payungan siya. Now, its his choice whether to follow me or stay outside. Natapos ko na ang obligasyon ko bilang isang mamamayang Pilipino. Haays. Pero bakit parang may kulang.
I sensed him following me at my back. Pumasok kami sa loob at umupo siya sa sofa, umakyat naman ako sa kwarto at kumuha ng towel nang mapansin kong bukas ang pintuan ni Nyx. For sure lumabas yun. Inabot ko yun kay Nathan kasama ang isang set ng damit na maluwag ni Nyx at comforter. He went to the bathroom while I went to the kitchen. Nagulat pa ako nang makita ko si Nyx na nagtitimpla ng tatlong kape. Tss.
"Mahaba-habang inuman, San Mig Light. Kaso wala akong beer, kaya kape na lang."
*PAK*