MIMI POV
"Alam kong mahal mo ako. Bakit ayaw mong aminin? Ha?!"
"Oo nga bat ayaw mo pang aminin! Pakipot ka pa!"
"Kasi hindi pwede! Ikakasal na ako. Ayaw lang kitang masaktan"
"Eh hindi naman pala pwede! Makulit ka eh! Ikakasal na siya! Wag kang epal!"
"Pero ako naman ang mahal mo diba? Kaya mong mabuhay kasama lamang ako diba?"
"Oh ano bat ayaw mo sumagot? Kaya mo ba? SAGOT!"
"EWAN. Hindi ko alam!"
"Eh di niya pala alam tanong ka ng tanong! Bo--"
*click*
"BAKIT MO PINATAY MIMI!"
"Paano ba naman makakapanood ng maayos. Ang dami mong side reactions! Dinaig mo pa yung dami ng linya nung characters. Sows naman Nyx!"
Mababatukan ko tong pinsan kong to. Napaka talaga!
"Eeeeeh. Mimi kasi nadadala ako sa movie. Game na ulit."
"Isip bata ka talaga eh no!"
"Parang ikaw hindi ah!"
"Che! Ayan oh yung remote. CR lang ako. Pag ako bumalik at maingay ka pa, pepektusan kita sa ribs!"
"K Fine! Balita ko ganyan daw talaga ang nag aasawa! At--OMG COUSIN!"
"Oh bakit na naman?" Sagot ko sa kanya bago pumasok ng CR. Kasi naman daig pa nakalunok ng mike kung makasigaw. Masisira ata bubong ng bahay niya kakatili niya.
"BUNTIS KA NA?"
.
.
.
.
.
.
*BLAG*
.
.
.
.
.
"Isasabit kita o babalatan ng buhay?" I asked her with a dangerous tone. Ngumiti naman siya ng napakatamis.
" Sige na. Tatahimik na po. Hindi ka pa ba babalik sa bahay NIYO? 2 days ka nang natutulog dito, nauubos na stock ko sa laki ng sawa jan sa tyan mo."
Tumabi at siniksik ko ang sarili ko sa kanya. Actually totoo yun, tinatamad akong umuwi sa bahay NAMIN. Kasi naman, hindi ako makapag aral o makapag concentrate kapag nasa bahay ako, puro UNGOL ng babae at"shit ang sarap..sige pa..yeah" ganyan ang naririnig ko mula sa sala/ kwarto/ kahit san. Tapos matutulog kami sa iisang kama amoy ANO pa. Alam niyo na yun. Naku talaga. Kung ikaw ang makapag asawa ng ganun baka isa isa mo nang hinugot mga tadyang nun.
Yes we are married, in a business way. Parang ginawa kaming insurance ng parents namin. Wala naman akong sama ng loob sa parents ko, kasi matagal na nilang sinabi sa akin ang tungkol sa marriage na to, actually 10 years old pa lang ata ako nagsosorry na sila ng paulit ulit hanggang sa araw ng kasal NAMIN. I never really care about my life or who I am going to marry, all I want is to see my parents happy, that’s all. Kaya nga mabait akong anak, gaga lang MINSAN. Kung hindi nga nila ako ipapakasal balak kong maging maiden forever. Nakanaks. Ang taray ng maiden.