Update Nineteen

6.7K 123 0
                                    

Mimi POV

....

....

Nanggigigil ako.

Girls know this feeling. Yung wala ka nang masabi sa sobrang galit mo. That all you want to do is to go to a corner and cry. I mean cry a lot. A LOT.

Totoo na ang mga babae maingay, madaldal, maraming reklamo, madalas mag react, but when they start to be silent, you should know that something serious is about to happen.

Pero hindi ako yung taong umiiyak. Hindi ako yung taong mag ngangangawa sa isang tabi dahil nakuhanan siya ng isang bagay. Pag ganito ako, I just do shopping. When i say shopping, means to shop a lot. A LOT.

I slowly walked to the parking lot, expecting to see Nathan running back to me, pero WALA. Ni isang hibla ng buhok niya wala man lang akong nakita. Pero siguro mas okay na yun. Kesa naman makita ko pa siya ngayon, baka mabalibag ko lang siya sa sahig.

Si Raine na pala huh. Si Raine na yung bago niyang asawa. Si Raine na pinangangalandakang siya ang asawa. How pathetic. Pero sino nga ba ang mas nakakaawa samin? WELL, HINDI AKO YUN.

I went inside my car and throw my phone at the back seat. Ayoko munang hawakan yan. Panigurado tatawag at tatawag si Nyx na magdadala na naman ng tsismis. Tsismis na mas lalo kong ikakagalit. Wala pa namang common sense sa feelings yung babaeng yun. Regaluhan niyo nga.

I started to drive going to the mall. Napaparami na ata ang mga nakacut kong classes these past days. Pano depressed. Depressed? Nevermind.

Napahigpit naman ang hawak ko sa manibela nang maalala na naman yung scene kanina, I was ready to tell him that "I think it’s time to finally fix our marriage" pero dahil sa pangingialam nung doktor at si Raine na pala ang bago niyang asawa, I just laughed at myself. How silly of me. Nagpapadala na ako sa mga kagaguhan ni Nathan.

Mind our own business.

 I hope i can go back to that negotiation of ours.

Napahampas na naman ako sa manibela. Maybe si Raine na ang pinakikilala ni Nathan na asawa niya. Hindi ba sila makapaghintay na magdivorce kami? Nakakainis!

Nasa parking lot na ako nang may muntik na akong masagasaan. Pano ba naman. Sinong bobo ang gigitna pagkatapos kong bumusina.

Bumaba ako to see a person standing up and brushing off dirts from his expensive clothes.

"Papakamatay ka? Bakit di mo itry uminom ng zonrox?" inis kong banggit.

"Eh kasi alam kong kaya mong paggastusan ang burol ko tulad ng kaya mong bilhin ang link of shops ko" at ngumiti siya sakin.

Oo nga pala, isa lang naman kilala kong bobo sa kwentong to.

SI PERCY.

"You? Again? Tsch." bumalik ako sa sasakyan ko at nilampasan siya. Mga pandagdag gulo sa buhay. ‘Di ba pwedeng kuhanin ng aliens lahat ng babaero sa mundo at dahil sa ibang planeta para naman mga loyal ang matira? NOOBS.

 I saw an empty slot and parked my car. Wallet ko lang ang kinuha ko at iniwan ko ang phone ko sa loob. I don’t want to talk to anyone at this moment.

“Holy Zeus!” I cursed as I saw Percy waiting at the back of my car. Hindi ba ako tatantanan ng lalaking to?

“Wow. Fan of Greek Mythology? Sorry pero mas gusto ko si Poseidon.”

Whatever. I rolled my eyes and walked past him. Wag siyang dumagdag sa init ng ulo ko, baka gawin ko siyang sushi roll.

“Heeey! Wala kang kasama? You remember me right? Percy! Percy!”

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon