Update Twenty Six Part One

6.4K 104 2
                                    

Dedicated to loi_kitty, thank you sa comment :))

MIMI POV

Nagising akong medyo masama ang pakiramdam. At wala na ring Nathan na nakadagan sakin. Buti naman. Teka? Wala na si Nathan? Ke aga aga naghahanap agad ng matutusok! Napangiti naman ako nung maalala ko yung kagabi. At least we agreed to make the most out of this marriage.

Tumayo ako kahit medyo nahihilo. Lintik yan, dahil to sa pagbibit sakin ni Natha kagabi eh. Inipit ko agad yung buhok into a bun at akmang hihiga ulit nang...

"MIMIIIIIIII!" ay palaka! Nawindang ako sa tili ni Nyx. Isa talaga sa mga chapters na to ipapatanggal ko na yung mga vocal cords ni Nyx.

Napatalon ako sa tili ni Nyx at nagmamadaling bumaba ng kitchen. Hala ka baka nasusunog na ang bahay namin. O kaya may nakapasok na magnanakaw.

'Sige ipilit mo yang magnanakaw, tanghaling tapat.' whatever.

Ipupush ko talaga. Pagdating ko sa kitchen, parang batong nakatayo si Nyx sa may pintuan at nakatitig sa lamesa kung saan----

"WHAT THE?"

Yan lang ang nasabi ko.

"Good morning wifey! Kain na tayo!" Ngiting ngiti na binati ako ni Nathan.

Saglit parang nahihilo ako sa nakikita ko. Napasandal ako sa pintuan at napahawak sa batok ko. MY NERVES!

Si Nyx naman parang tuod lang na may hawak pang tabo at toothbrush. Bumubula pa yung bibig niya. Wala bang balak to magmumog. Pero teka, yung scene sa harap namin. Aray. Puputok na ata yung nerves ko sa batok.

"Oh ayaw niyo ba to?" Senyas pa niya sa ginawa niya.

"Pyesta ba Mimi?" Tanong ni Nyx na nagulantang parin. Kahit ako nagulat rin.

Si Nathan? Naka apron? May hawak na strawberry cake? At nagluto ng sandamakmak na handa. Mula pang breakfast hanggang pasta at main entrees? AT ANG MASAKIT SA NERVES. INUBOS NIYA LAHAT NG STOCK KO SA REF PARA SA ISANG BUWAN.

"Teka lang" ani ni Nyx na nilapag ang tabo niya at nilabas ang cellphone sa bulsa.

*click*

"Nyx!" Saway ni Nathan dahil pinicturan lang naman siya nang ganun ang itsura.

Lumala ata yung hilo ko kanina.

Umiling iling si Nyx na nakatingin sa phone niya. Wala parin ito sa sarili.

*click*

"NYX!" mas malakas na sigaw ni Nathan.

"Mimi pakibatukan nga ako, nanaginip ata ako"

Hehehe.

*PAAAAAAAK*

Mahaba yan kasi soooobrang lakas. Chance ko nang maayos ang alignment ng neurons ni Nyx.

"WAAAAAH. MIMI ANG LAKAS NG BATOK MO!"

Inirapan ko lang siya habang si Nathan tumatawa at inilapag na yung cake.

"Sabi mo batukan ka eh."

Lumapit naman sakin si Nathan at kinapa kapa ang noo ko.

"May sakit ka Mimi? Namumutla ka ata?"

Paanong di ako mamumutla. Kakabili ko lang ng stocks kahapon, eto inubos mo. Ampupu.

"Nakakaasar kayo. Aakyat muna ako sa kwarto at TATAWAGAN SILA CHIONE AT NEMO! DAHIL PANIGURADO HINDI NATIN MAUUBOS TO!" at tuwang tuwang umalis si Nyx.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon