Hindi po ako nagpproofread, dahil tamad po ako :( Sorry sa mga wrong spellings at maling grammar. Sa numbers po kasi ako magaling :D Here's the part I :*
Nyx POV
"Wait, Mimi!" sigaw ni Nathan pero hinarang na namin siya nila Nejii.
"Hayaan mo muna siya." ani ni Kei. Tinignan ko naman ng masama si Eisha na nakayuko at nakahawak sa braso ni Nathan. Sinasabi ko na nga ba, iba talaga pakiramdam ko sa magkapatid na to.
"And can you please get this woman out of my sight" nilingon ko si Eisha, "as soon as possible" I stated with my dangerous yet calm voice. Siguro naman alam na nila na masama ang timpla ko ngayon.
"Nyx, wag ka ng sumabay sa init ng ulo nila." akbay naman sakin ni Nejii. Hinawakan naman ni Jack si Chione na halatang nanggigigil na at reay to fight na ang mga kamay. Si Nemo naman nandun sa bulletin board at isa isa ng tinatanggal yung mga pictures. Unti unti na ding nagsisialisan yung ibang nakikiusyuso, pero madami paring natira, naghihintay ata ng sabunutan at sampalan event.
"Guys, we can explain. I can explain" worried at aligagang sagot ni Nathan samin pero ang tingin ay nasa gate kung saan lumabas si Mimi.
"Save your explanations. For now dude, siguro mas mabuti kung ihahatid mo na si Eisha sa----"
"OH MY GOSH!"
Napalingon naman kami sa Bulletin Board kasi doon nanggaling yung tili.
"Isnt that Alia?"
"Yah! Yung model slash photographer?"
"FYI, fashion blogger din siya"
"This is awesome!"
[Hello Alia! :D *kaway kaway from author*]
Naglakad naman ako papunta sa babae at hinawakan yung dalawang pisngi nito sabay pinisil pisil. I can't believe it!
"Alia? What brought you here?" halos hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Uhhhm. Kernyehpplesremevyerhends?" Ano daw? Jejemon na ba to si Alia? Last time I check englishera lang siya? At kung magtagalog man, with accent pa.
"What?" Tinapik niya naman yung kamay ko na nakakurot sa pisngi niya.
"I asked if you could remove your hands from my beautiful rosy cheeks. Seriously Nyx, I came here for a shoot." irap niya sakin sabay himas ng pisngi niya. The ever-so-conceited cousin of ours. Pinsan namin ni Mimi si Alia, pero hindi kami madalas magkakasama kasi nag-aaral siya sa London, fashion designing. Kung may once in a blue moon, eto si Alia, once in a one more once in a blue moon kung umuwi sa Pilipinas kaya naman nakakagulat na nandito siya. Actually kilala na siya sa mga social networking sites dahil aside from being a blogger, model and photographer din siya.
Nagsimula na namang dumami yung tao, kasi nga naman nandito yung sikat na blogger, hello? Ang dami na ring nakikipicture sa kanya pero hindi niya pinapansin at nakatitig lang sa mga pictures na natitira sa BB.
Pinasok ko naman yung daliri ko sa bibig ni Nemo na kanina pa nakanganga kay Alia. "Nemo, galaw galaw, tao yang nasa harap mo"
"Ang ganda" Yan ang sinagot sakin ni gaga.
Nanahimik kaming lahat nang lumingon si Alia kila Nathan. Hindi siya kilala ng mga boys kasi naman bata pa nung umalis si Alia, pero I think nakkwento naman namin sila sa kanya. Naglakad ito diretso kila Nathan, hawak hawak yung isang picture nila ni Eisha na magkasama sa kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/3442405-288-k288235.jpg)