Nathan POV
Wag niyo muna akong murahin! Kalma lang! Alam ko galit kayo sakin. Let me explain. Naks.
Diba ang mga babae kailangan ng space pag nagalit sayo?
Binigyan ko lang ng space si Mimi. Kaso sumobra ata. Kasi si Nejii muntanga lang. Hindi na talaga ako hihingi ng advice dun sa gagung kapatid ko na yun.
Ganito kasi ang nangyari.
Nung umalis si Mimi, hinabol ko siya kaso sumakay agad siya ng sasakyan niya. Sakto namang nakita ko tong hinayupak kong kapatid at tinanong pa ako kung sinong hinahabol ko. Kinwento ko naman sa kanya at eto ang sagot,
"Tol bigyan mo ng space si Mimi. Kelangan ng babae yun. Wag mo munang piliting makipag usap sayo. Kung pepwede hayaan mo muna siyang mag isa."
Kaya ayun, hinayaan ko siyang umalis. Nag alala ako nung hatinggabi na wala pa siya kaya tinawagan ko si Nyx para tanungin kung nandun ba si Mimi, kaso wala daw. Kahit sila Kei at iba pang kakilala ni Mimi tinawagan ko na. Nung hindi ko na siya mahanap, trinack ko na yung GPS ng kotse niya. Wag na kayong magtaka kung paano ko natrack yung kotse niya, ganyan talaga kapag ***** mo ang isang tao. Nakita ko yung kotse niya and her phone inside. Iniwan niya iyon, at dahil sarado na ang mall, malamang sa malamang wala na siya sa mall.
Hindi ako nakatulog nun at nasa study room lang ako, palakad lakad. Ilang gatas na rin nainom ko *ehem* FRESH MILK GALING BAKA, para antukin pero nangingibabaw parin ang pag-aalala ko sa kanya.
Uuwi pa kaya siya?
Paano pag may nangyaring masama sa kanya?
Bakit kasi bigla bigla siyang aalis, di man lang niya ako pinatapos magsalita.
*sigh*
Actually siya naman ang pipiliin ko nun eh, kaso bigla na siyang nagalit nung narinig niya yung pangalan ni Raine. Minsan talaga mababatukan ko na yung asawa ko sa katigasan ng ulo.
Mga 4am na ata nung may narinig ako andar ng kotse sa labas. Sinilip ko iyon at nakita ko si Mimi bumaba ng kotse. Nagmadali naman akong pumasok ng kwarto at humiga sa kama para kunwari natutulog na ako. Baka akalain niya pang hinhintay ko siya.
Ay oo nga hinihintay ko siya.
Naramdaman ko nang humiga siya sa tabi ko, at sa oras na yun, napanatag ako, na..
hindi nawala ang babaeng to sa buhay ko.
Kaso, nitong mga nakaraang araw, napapansin kong medyo lumalayo na si Mimi. At problemado ako dun, kaso sabi nga ng lintik na Nejii na yun, BIGYAN KO NG SPACE.
Isa pa tong si Raine.Pasama ng pasama. Ginawa akong tourist guide sa school, nagpapasama pa kumain kasi daw wala siyang kasabay at mas gusto niya pang wag kumain pag di ko siya sasamahan. Dahil wala naman akong magawa at kinakapatid ko naman siya, sinasamahan ko naman. Loyal ako kay Mimi ha. Kaya ngayon eto, kagagaling lang namin ng restaurant kumain kami ng lunch.
"Nate! Hindi ka naman nakikinig eh!"
"Ha? Nakikinig kaya ako" sabay tumawa ako ng pilit. Nasasakal ako pag kasama ko tong si Raine. Pero syempre nasisingit parin ang sex life. Hahahaha.
Tumawa rin siya at hinampas ako ng mahina. Papunta kami sa clinic, nakiusap kasi si Kei na kung pwede ko kausapin yung newly appointed doctor para tanungin kung bakit napunta sa clinic si Chione.
Napatigil ako nang makita ko si Mimi sa harap ko. Namimiss ko na siya, gusto ko siya kausapin. Kaso galit ata siya. Ang sama ng aura niya. Tinignan niya ako at si Raine, na hanggang ngayon hindi pa siya napapansin.