Mimi POV
Nasa harap na kami ng amusement park. Akala mo naman hati kami sa magkaibang grupo kasi lahat ng babae nasa side ko at kay Nathan naman yung boys. Nasa gitna kami at holding hands pa. Tuloy, kanina pa kami inaasar ng mga to. Naku pag nalaman lang nila ang evil plan ko. Bwahaha. Sila ang malulukot ang mukha.
Pumasok kami at pinagtitinginan kami sa loob. Medyo marami ang tao kaya naman mas madali ang gagawin kong plano. Hahaha.
Nakakailang rides kami nang yayain kong mag CR ang girls.
"Mimi naman bakit mo pa kami sinama."
"Oo nga"
"Awkward tuloy. Parang nasira pa namin date niyo ni Nathan." Tsch. Kung alam niyo lang.
Naglalakad na kami pabalik kila Nathan at medyo malayo na sa CR nang mapahinto si Nyx. *smirk*
"Wait girls. I think I forgot my phone sa CR. Shocks. Babalikan ko lang. Stay here guys." At tumakbo na pabalik si Nyx. Alam kong matatagalan siya sa paghahanap dahil nasa akin ang phone niya. Hahaha.
"Im bored. Lets see whats in there." Turo ko sa isang ride na ang haba ng pila na halos hindi na makadaan ang mga tao sa gitna dahil sa paikot ikot na pila dito. Parang concert sa dami ng tao. Hinila ko na sila at nagsimulang makipagsiksikan sa dami ng tao. Sinadya kong bitawan si Chione at Nemo ng magkahiwalay kaya nawala na sila sa gitna ng napakaraming tao.
Done!
Ang sama ko bang kaibigan? Winala ko sila? Hahaha sorry. Ayoko ng awkward atmosphere. At hindi naman nila malalaman na sinadya ko silang iwan. Magpapasalamat pa yung mga yun mamaya.LOL
Tumakbo ako pabalik kila Nathan and wear my worried face. Hindi ko lang alam kung convincing ang itsura ko dahil hindi ako sanay sa drama. Pasalamat sila ginagawa ko to.
"Oh Mimi bakit ang taga---"
"THEY ARE GONE" nag aalalang sagot ko sa kanila .
Nanlaki naman yung mga mata nilang tatlo.
"Shit!"
"San kayo huling nagkita?"
"Sabay sabay ba silang nawala?
"No. Nauna si Nyx tapos maya maya nawala na si Chione then last si Nemo."
Walang ano ano nang magtakbuhan sila sa direksyon na pinanggalingan ko. Tanranta ang mga topak. Nakangiti akong tinignan sila palayo.
"LETS MEET AT 6PM IN THE CAROUSEL. WHEN YOU SEE THEM, TAKE YOUR TIME! WE'RE ONLY BE AT THE CAROUSEL AT SIX!" Sigaw ni Nathan sa kanila. Nag sign naman sila ng okay bago nagsilayas.
Tinignan naman ako ni Nathan nang nagtataka kaya naman binalik ako ang tingin niya sakin.
"Ikaw Mimi ah, anong plano mo? Sinadya mo silang iwala no?"
I smiled sweetly at my husband. At ngumiti din siya sakin. Masarap lang ang feeling ng walang istorbo at kasama mo ang taong mahal mo. Chos diba?
"Tara hubby, im in mood to try all the rides!" At hinila ko na siya papalayo. I love to do evil plans. *smirk*
Kinuha ko ang phone ni Nathan and put it in silent mode. Pati yung kay Nyx. Pinatay ko naman ang phone ko. Nilagay ko lahat yun sa sling bag ko at hinila na si Nathan sa kung ano anong rides hanggang sa nasakyan namin lahat.