Update Twenty-Three

6.4K 130 6
                                    

Thank you sa sandamakmak na votes mo :DD 

Happy 1.5k reads. At dahil diyan, video naman ang multimedia ko.

Mimi POV

Two days.

Two days since nung pag uusap namin nila Chairman. Hindi ako umuwi sa bahay, talagang pinag iisipan ko yung divorce. Its not that gusto ko nang makipaghiwalay kay Nathan, its just that i am getting confused these days.

Ayokong mapunta si Nathan kay Raine pero ayoko rin naman kay Nathan.

'AYAW BA TALAGA?' Tse.

Divorce. My last resort as chairman said. Gusto ko ba talaga? Or should i say, kaya ko ba? Hindi ako tanga para hindi marealize sa sarili ko na unti unti ko nang minamahal si Nathan. Hindi ako gaga para hayaan lang siyang bitawan. Pero paano kapag ako lang ang nakakaramdam nito? Paano kapag hindi mutual? Paano kapag hindi niya ako mahal? Ang sakit isipin pota. Ang hirap panghawakan ng mga sweet moments at actions na ginagawa niya sakin. Ayokong mag assume. Dahil sa huli ako lang ang mag eexpect at masasaktan.

The Ice Princess is falling. Falling in love. And anything that falls, gets broken. Except sa plastic.

I never thought it will end this way. Ang hirap sagutin ng tanong na, mahal ko na ba si Nathan? O nasanay lang akong nandyan siya? Kasi walang definite na answer. Tama, oo o hindi lang ang sagot, pero ang daming icoconsider. Kasi hindi lang naman basta basta ang magmahal. You will experience the best and the worst.

Hahaha. Naguguluhan na ba kayo sakin? Aamin ako tapos idedeny? Tse. Kayo din naman nagdaan sa ganito.

"Mimi. Nakikinig ka ba?" Malungkot na tanong ni Nyx. Hindi siya maingay ngayon at halatang may problema rin. Gloomy ang aura naming dalawa na parehas nag iisip ng malalim, ang pinagkaiba lang, siya nagkkwento ng kung ano ano, ako tahimik.

"Tama bang nakipag unahan yung pagong sa kuneho?" O diba ang nonsense niya kapag may problema. Nandito kami sa park, tapat ng mini lake ng school. Parehas kaming nakatingin sa tubig at tulala.

"Ewan ko" walang kwenta kong sagot.

"Ang tanga ng pagong no? Kahit alam niyang talo siya, nakipagpustahan pa siya" at bitter siyang ngumiti. Kahit di ako sanay sa Nyx na katabi ko, wala rin ako sa mood makipagkulitan sa kanya.

"Kasi umaasa parin siyang mali siya ng akala" sagot ko. Tumingin ito sakin bago bumalik sa pagiging tulala. Ngumiti siya ng malungkot bago yumuko.

"Huwag kang iiyak lulunurin kita" banta ko. Iyakin si Nyx. Mukha lang siyang masiyahin pero mahina ang loob niya. Naalala ko kapag may umaaway sa kanya, ako lagi ang nanapak para sa kanya.

"Even though it seems i have everything"

"I dont wanna be a lonely fool" kanta ko rin.

"All of the women, all the expensive cars.

All of the money don't amount to you. 

So I can make believe i have everything"

"But i cant pretend that i dont see" pagputol ko sa kanya. Ngumiti siya bago itinuloy ang huling linya.

"That without you boy my life is INCOMPLETE."

Incomplete. Perfect word para sa nararamdaman namin.

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon