A/N: Oha ngayon lang ako nag Author's Note. Alam ko kasing nilalampasan niyo lang naman to. BWAHAHA. Just to inform you guys, i am having second thoughts kung itutuloy ko pa ba tong story na to. Well, nakakapagod kasing mag update kung wala namang magbabasa at hindi na aapreciate(drama ko lang) tong story na to. Spoiler ng kaunti, ahahaha, 45 CHAPTERS lang po ito. Yun lang. At ayan na ang Nathan's POV :))
Sorry for my late update. Grabe ang utak ko ayaw gumana T____T
Nathan POV
"Pare napanood mo yung scandal ni Rica, yung cheerleader?"
"Oo pare, HARD!"
"Sus para namang di mo natikman yun. Hard talaga yun!"
"Ehem, may babae po"
"Shut up Nemo. Oo nga pala pre, suki nga ni Nathan yun."
Padabog naman na tumayo si Nemo at tinignan ng masama si Kei na katabi niya. Umirap ito at saka binato yung hawak niyang Math Book sa mukha ni Kei bago nag walkout. Ano naman kayang problema nila? Ilang araw na lang matatapos na yung kasunduan nila pero puro away parin ang inaatupag nila.
Wow nagsalita ang walang problema sa asawa
MANAHIMIK KA! Lintik na konsensiya to, lalo akong kinokonsensiya. Ano daw?
Ilang araw na din kaming hindi nagpapansinan ni Mimi sa bahay at maging sa school. Simula nung incident sa clinic, panay na rin ang labas niya sa bahay, pag kakausapin ko naman siya tinitigan niya lang ako tapos iirapan. NAKAKABALIW MGA BABAE!
Alam ko namang kasalanan ko, pero mas kasalanan ni Doc Kennen! At syempre ni Raine. Bakit ba ang hirap maayos ng marriage namin ni Mimi. Ang daming panggulo. Hinayupak na buhay. Pati sex life ko naapektuhan. Napasabunot na lang ako sa sarili ko sa dami ng nangyari.
Hindi naman lingid sa akin na lagi silang nagkikita ng kaibigan niya, kaya siguro panay ang labas niya. Pero halos umuuwi na siya ng gabi, kahit papano nag-aalala ako. OO NA NAG AALALA TALAGA AKO.
Hindi ko pa nakakausap si Nyx, ang hirap din hagilapin ng isang yun. Aba malay ko sa kanila ni Nejii, kung kelan kailangan nawawala. Wag na pala si Nejii, walang kwenta mga suggestion nun
"Oh Thanatos Death, suko ka na kay Mimi?"
"Nakausap mo na ba si Nyx brad?"
"Hindi pa. Brad ang sakit sa ulo ng mga babae. Nakakaubos sila ng energy." ani ko.
Tumawa naman ng malakas si Kei.
"Tol, nakakaubos talaga ng energy ang mga babae, lalo na sa kama." sagot ni Kei.