Update Six

9.1K 135 1
                                    

MIMI POV

" ATEEEEEENG!" Kilala niyo na yan. "Slumbook tayo. Bilis na"

Tinignan ko lang siya ng nakakunot ang noo. Anong slumbook na naman sinasabi nito? Bigwasan ko kaya sa noo to para maayos ang utak.

" Bilis na MIMI! Naalala mo ba nung grade 2, yung kaklase nating ako lang ang di pinasulat sa slumbook niya, ayun sinabunutan ko nga. HAHA akala niya ah. Hmmp!"

"Oo at dinamay mo pa ako kaya sa Principal's office ang bagsak natin"

"TAMA INSAN! At tinarayan mo pa si Madam Principal noon. HAHA. Remember?!" Pwede namang hindi tumili, pahiwa ko kaya ngala ngala nito, baka nakalunok ng megaphone.

Flashback

"WAAAAAAAAAAH!" Alam ko kilala niyo na yan. Si Nyx nagwawala dito sa P.O. "Kasi po di niya ako pinasulat sa slumbook niya! WAAAAA--"

Nagulat naman yung principal sa ginawa ko. Binatukan ko nga si Nyx, ayan at nanahimik. Tinignan niya yung mga record namin. Kumunot noo niya tapos tumingin kay Nyx.

" Nyx Jane De Jesus, hija, slumbook lang yun. Dapat di ka nang aaway okay?"

"Opo" tumango naman to si Nyx, kahit kelan talaga ang daling utuin. Tse.

"Ikaw naman, Venge, dapat di ka na nakisali. Ano bang ginawa mo dun sa kaklase mo?" Tinanong niya pa ako eh alam naman na niya.

"..."

"Venge, tinatanong kita hija"

"..."

 "Haaay, hija dito naman nag aral ang mommy mo, di naman siya ganyan nung bata, dapat good girl ka rin tulad niya"

Kumunot noo ko. Lakas mang away nito ah. Sino ba to? Nanay ko ba tong babaeng to? Ni hindi ko nga siya teacher sa Math. Tse. Tinignan ko siya, nagulat naman yung principal, kasi naman tong mata ko ang lamig daw tumingin, parang papatay.

" Bakit mo ko kinukumpara sa kanya? Parehas ba kami? Ako ba siya? Akala ko pa naman matalino ka. Hmmp" At ayun, nag walk out ako. Tse wala akong oras sa kanila.

Maldita ko no?! Paki mo?

end of flashback

"Hahaha. Kung nakita mo lang itsura nung Principal nun. Pulang pula. Di ko alam kung sa galit, inis, o kahihiyan eh. HAHA" Di na ata makahinga tong si Nyx. Nandito kami sa bahay NAMIN. Kagabi pa siya dito, nag overnight, at daig pa si Sherlock Holmes kung makahalungkat ng clues ng pambabae daw ng asawa ko. Sus.

"..."

 

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon