Dedicated to sa kanya KASI kahit simpleng comment niyang smiley, nakakamotivate magsulat. Thank you <3
BG Music: Swear it again
Hahaha. Kelangan ko ng paghuhugutan. Ang luma ng music ko.
Mimi POV
Spell SPEECHLESS. A-K-O.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa loob ng department store. Pano ba naman buhat buhat ako nito ni Nathan habang tinatakbuhan namin yung mga goons. Namumula na ako sa hiya dito oh!
'Ang sweet kaya. Para kayong royalties in pursuit. Naks' SHUT UP MIND! ILL KILL YOU LATER!
Nakakahiya na big time.
"Nathan put me down!" Utos ko dito kaso umiling siya at ngumiti.
"May pilay ka mahihirapan ka tumakbo. Ayaw kiyang iwan Mimi."
'Awwww how sweet' pota sabing manahimik kang utak ka eh. Papatanggal kita!
Napatitig naman ako sa kanya. Princess carry kasi ang ginawa niya sakin at kahit nakangiti siya sakin kanina. Alam kong hirap na hirap na siya. Kahit naman magaan ako, nakakapagod kayang tumakbo ng may bitbit. Mas mahirap kapag tao ang bitbit mo. Pinagpapawisan na siya pero sige parin sa takbo. Bakit ba kasi ngayon pa ako napilayan? At bakit ngayon pa nagsulputan tong mga goons ni Chairman.
"Matunaw ako Mimi."
Nawala naman ako sa pagmumuni ko nang ngitian niya ako. Putik yan. Nakakahiya. Napansin kong nawala na yung mga goons kaya sinadya kong magkulit habang bitbit ni Nathan para mapilitan siyang ibaba ako. Hello kaya kong tumakbo. Saka nawala na namin sila. Pwede nang maging kabayo to si Nathan hahaha.
"Mimi wag kang---malaglaglag ka---MIMI!" at presto inilapag niya ako. Kaso na out balance ako kasi naman yung bigat ng katawan ko sa pilay na paa ko nalagay. Isang malaking ouch.
Mabilis naman niya ako sinalo kaya napahawak ako sa dibdib niya.
*bzzzzzzt*
Napaigting ako! Hala ka! Bakit may kuryente? Pinapapak ata nito yung mga saksakan namin sa bahay.
"Ayan ang kulit mo Mimi. Sabi nang wag kang makulit eh" hindi naman niya napansin yung reaksyon ko kaya inalalayan niya parin ako. Potek di ko na hahawakan dibdib niya, conductor ata ng electricity yun eh. Bigla bigla na lang akong nakukuryente.
"Teka patingin nga ng paa mo. Nakarubber shoes ka pa. Tara dun sa may upuan" hinila niya ako sa may upuan dito sa department store bago tinanggal yung isang rubber shoes ko. Nasa may bandang dulo kami ng ladies shoes katabi ng mga undergarments ng mga babae.
"Ang baho ng paa mo Mi." Binatukan ko naman siya.
"Ang kapal mo. Mabango yan, tumira ka pa dyan eh" hirit ko naman sa kanya. Tumingin siya sakin Nakaluhod kasi siya sa harap ko kaya magkalevel lang yung mga mata namin. So ganun talaga ako kaliit -_____-