Chapter Thirty Six

4.8K 69 6
                                    

New Year. New me. New Villain. New Chapter. Soon new story :D

Emergerd. Naloloka ang lola niyo sa dami ng gawain. Ang hirap ng 2 sem to go graduate ka na. Sorry for my slowest update ever. Actually dapat may special christmas chapter ito, kaso hindi ko na save dahil sa magaling kong kapatid na tinanggal ang saksakan ng PC bigla bigla. On the other hand, ito na yes naka update na din medyo sabaw lang :D

MIMI POV

"Mahaaal~~~~"

"MIMI please lang, pansinin mo na yan si Nathan. Nauumay ako sa kalandian niyan"

"Nyx hayaan mo na sila, oh etong design ayaw mo?" 

"Ayoko masyadong plain, wala bang mala barbie na design? Yung pink and black? Ganun!"

I raised my eyebrow and rolled my eyes. Seriously? Wedding gown tapos pang barbie ang design? At panalo, pink and black? Ano punkista lang to si Nyx?  Napailing na lang ako sa dalawang to. Nasa isang sikat na wedding boutique shop kami at namimili ng mga isusuot na damit ni Nyx sa wedding niya this June. Yes, MGA, dahil bukod sa dalawang wedding gowns, at dalawang engagement gowns ay may lima pa siyang pinagpipilian para sa wedding photoshoot nila.

Bakit kami nandito ni Nathan? Well nakiusap kasi ang papa nila na tulungan namin tong husband-and-wife couple to be sa kasal nila dahil tatlong wedding organizer na ang umaayaw sa kanila. Sino bang di aayaw sa ugali ni Nyx at Nejii, parang sinasabotahe talaga nila yung kasal.New year na new year sakit sa ulo.

"Mahaaal~~" pangungulit sakin ni Nathan habang tumitingin ako ng mga dress na pang abay. Actually hinihintay namin ang pang-apat na wedding organizer nila Nyx dito kaya naman hindi pa kami makaalis alis. Mind you kanina pa nagkakamot ng ulo ang manager ng shop na to dahil sa gulo ng mag fiancee na yun.

"What is it?" 

"Lets have some lunch please? Hindi ako nakakain kanina sa pagmamadaling sunduin ka."

"So kasalanan ko pa mahal?" pagtataray ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng pagkatamis tamis at umiling. Now, how can you hate this man with his sweet smile and attitude.

"Sabi nga pa----"

*ringggggg* *ringggg*

"Wait mahal, sagutin ko lang to. Office matters" sabi niya kasabay nun ang paglayo niya para sagutin yung telepono. Oh, who cares.

"Nejii, ayoko nga ng white. Mukha akong santo dun!"

"Eh hindi nga pwede ang black gown sa kasal Nyx! Ang kulit mo naman!" Nagsisigawan na silang dalawang nang bumalik si Nathan, he held my hand and led me to the two most annoying person right at this moment.

"Guys, hey Nejii and Nyx, stop it. Sabi ni Lolo, pumunta daw tayo sa office niya, right now. He will make some kind of announcement at dun na lang din daw didiretso yung bago niyong wedding organizer." napatingin naman kaming apat sa isat isa. Its not that takot ako sa Lolo niya, which is given dahil sa intimidating aura nito, and the last time I check ayokong bumalik dun dahil nung huling punta ko, hindi maganda ang nangyari remember? So ayun, this time may announcement na naman siya, at hindi maganda ang kutob ko. Hindi naman kasi nagpapatawag ng ganito ang Lolo nila unless its very serious, well napakaseryosong bagay naman talaga na tatlong wedding organizer na ang umayaw kila Nejii, but...Oh nevermind. Nakakapraning mag isip ng mag isip.

"Lets runaway?" nakangiting baling sakin ni Nathan. Binatukan ko naman ito at napaaray.

"Ayoko na. In the end mahuhuli din naman tayo."

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon