Mimi POV
Spell nakakainis.
N-A-T-H-A-N
Spell nakakaasar
N-A-T-H-A-N
Spell nakakasama ng loob
N-A-T-H-A-N
So ano naging spelling class na to? Kasi naman naasar ako na naiinis na ewan! Daig ko pa ang nanalo ng Ms. Universe sa mixed emotions na to. Ano bang brand ng katol ang nasinghot ni Nathan kahapon at pinigilan niya pa ako. [PINIGILAN? Kinausap ka lang te. Echosera]
Whatever. Nakakawalang gana tuloy gumala ngayon. These past days hindi ako naglalagi sa bahay, pano nakikita ko lang yung gwapong pagmumukha ni Nathan.
Oo sinabi ko gwapo. Maldita ako pero di ako sinungaling. At dun sa mga naniningil ng nude pic ni Nathan, manigas kayo. Wala ngang ka votes votes to. Nakakatampo.
Sabado ngayon kaya wala kaming klase. Umuwi na rin ako dito sa bahay. Naubos ko na yung grocery ni Nyx eh. Kung nagtatanong kayo kung nasan si Nathan at anong nangyari kahapon samin ni Percy. WALA.
What i mean is hindi umuwi si Nathan kagabi. Hindi naman sa naghintay ako, pero hindi siya umuwi. Paki ko? Naiinis parin ako sa kanya. Kay Raine. Sa doktor na yun. Sa lahat.
Si Percy na nga lang lagi kong kasama. Pano araw araw din siyang nanggugulo sakin. Kesyo papasama sa ganito ganyan. Bibili ng ganito ganyan. Gawin ko siyang keso eh. Eh ako tong bored sumasama naman. Tulad kahapon. Masama pa ang loob ko kasi magkakilala pala sila ni Nathan at worst alam niyang asawa ko siya. Para naman akong inuto nun diba. Kaya nung pauwi kami at nasa gitna ng highway...
*flashback*
"BABA." I said with authority. Aba galit ako sa kanya. Kahit na sandamakmak na ang mga inadvice niya sakin at ni isa walang natulong, pasalamat siya kinausap ko pa siya. Kung pag uusap ang maituturing niyo sa mga one-word sentences ko.
"Mimi naman. Nasa gitna tayo ng highway! Baka masagasaan ako!" Pagrereklamo niya. Nasa gitna talaga kami, literally, ni hindi ko ginilid sa kalsada. Bakit? Trip ko eh. Binubusinahan na rin ako ng mga dumadaang sasakyan.
Pano ba naman sa sobrang inis ko, basta ko na lang tinapakan yung preno na ikinasubsob ni Percy sa dashboard.
"BABA" pag uulit ko. Hindi ko talaga papaandarin to hanggat di siya bumababa. Parusa ko to sa kanya.
I gave him my death glare kaya naman nag pout ito.
"Kahit sa next gasoline station"
"BABA"
"Eto na eto na bababa na oh. Tignan mo bubuksan ko nang pinto. Natanggal ko na yung seatbelt oh. Bababa na ako. Oh isasara ko na. Bye! Ing--"
At bago pa niya matapos ang mahaba niyang goodbye testament ay pinaharurot ko na yung sasakyan
*end*
Hindi ako nakonsensiya? Bakit nakonsensiya ba siya nung hindi niya sinabi na ,all those times na magkasama kaming gumagala, kilala niya ako ng mas malalim sa inaakala ko? Badtrip.
Nanonood ako ngayon ng cartoons sa cable. Ano bang title nitong OA na palabas na to? ODDY AND THE 3 BLIND COCKCROACHES ata [
Love me like!
Lo-lo-lo-love me like money!
The Wonder Girls in, Akooooon~~~