May sarili po akong kalendaryo, hahaha. Huling huli na ako sa UD. Sorry for that. December na, nasa November pa rin ako XD Saka, baka hindi lang 45 chapters to, pero nararamdaman ko nang gusto ko na tong tapusin. Ang daming READS T____T tears of joy ito. Thank you guys, thanks a lot. Salamat sa mga nagvovotes at nagbabasa :D
Happy 11k reads :D
Alam kong ang tumal ng UD ko, ang hirap kapag problemado ka na sa family, sumasabay pa ang mga friends mo at tindi ng school requirements.
Si Pervy ba? Nag out of the country na naman XD
Dedicated sayo <3
MIMI POV
"OH MY GOSH MIMI. Nagpadala ka sa batang yun? You're really a pathetic one." I scolded myself as I looked at the mirror. Medyo kinain ko din ang mga pinagsasasabi ko kanina.
"I thought you said this is a Halloween Party not a Kids party?!" Dagdag ko pa. Actually ako lang mag isa dito sa kwarto, and I bet akala nila hindi ako bababa dun.
Nagpalit ako ng costume. And you're right. Ako si Little Red Riding Hood ngayon. Literal na napa face palm na lang ako when my body did its own changing of costume.
Well wala na ding magagawa. Before I decided to leave the room and go downstairs, sumilip muna ako sa bintana and THERE! Guess what? Well alam kong nahulaan niyo na. Magkadikit na naman sila ng kerida niya, like seriously? Wala ba siyang ibang ginagawa sa buhay niya? Wala ba siyang pinagkakabusyhan? O talagang hobby niyang kalantarihin ang asawa ko. Tsss.
Tinanggal ko yung doll shoes ko at paa paang naglakad pababa ng hagdan, sa sobrang inis ko natalisod ako at napahawak sa railings, kaso mabigat na ata ako kaya hindi kinaya kaya bumagsak parin ako sa baba, mataas din yun ah, buti na lang may binagsakan akong tao. Well malas niya. Talking about carelessness here.
"Aray Miss." Dali dali akong tumayo at tinignan lang siya. Kumamot naman ito sa ulo at tinulungan kong tumayo. Then layas na ang peg ko.
"Sorry ah! Thank you!" Pabara niya pang tawag sakin. Well sorry rin siya, kasalanan niya paharang harang siya sa babagsakan ko. Bad bitch?
Tinulak ko ng malakas yung screen door at nagsimula nang maglakad papunta sa beachfront kung nasan yung party. Red na red naman ako sa outfit kong to, with hoodie pa ba talaga? May nakita pa akong basket with goodies kanina sa sala kaya binitbit ko na yun. Minsan lang mag little red riding hood, ipupush ko to.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad nung nagsilingunan naman sila sa gawi ko, as in halos lahat ng nasa party ngayon. I blankly stared at them and looked for the two person I am going to poison. Mga 5 mins din lahat ng tao ng ganun nang nahagilap ko na sila at maglalakad na sana, biglang may umakbay sakin na lalaki, and he's huge, i mean ang tangkad. Maliit na nga ako, tapos may umakbay pang kapre sakin. Wala na. Buset.
Nilingon ko naman kung sino to, ito yung lalaki kanina eh. Yung ginawa kong emergency landing area.
"Hey baby, bakit mo naman ako iniwan dun? After our body met viciously?" Automatic namang tumaas ang kilay ko sa sinabi nito at nagsimula nang magbulung bulungan ang mga tao.
I smirked at him and about to strangle him to death when he suddenly fell forward, straight body with his face fell directly and buried on the white sand beach. Kahit ako nagulat, wala pa akong nagagawa bumagsak na agad? Ano hindi kinaya ang aura ko?
Hinarap ko naman kung sino yung tumulak ng pagkandalakas lakas sa mahanging lalaking naging sandwich sa buhangin, teka mas matangkad to. Badtrip ah, bakit ang tatangkad nila! Lugi kami.