Mimi POV
"Waaaah. Mimiiii! Ang sweet sweet niyoooo!" ayan ang tili ni Nyx nang ikwento ko sa kanya lahat ng nangyari kanina.
"Anong sweet dun?" duh diba. Bumanat lang ng konti sweet na? Da H.
"Eeee? Yun mismo. Naku ikaw talaga. Buti ka pa ang sweet sweet niyo. Eh kami ng future husband ko?! Bungangaan lang!" sigaw naman niya. Makalayo nga dito. Ang ingay talaga. Bipolar pa! Ganyan na yan simula nung bumalik ako dito sa classroom. Kung hinahanap niyo si Raine. Wala. Baka umuwi sa impyerno.
"Ms. De Jesus! Quiet please!" saway ng prof. Ay may prof pala.
Tumikhim naman si Nyx at binabaan ang boses.
"Ikaw sis ang swerte mo kung tutuusin. You are married to Thanatos. Everyone wants him"
"Oo nga kaya lahat nagalaw niya. Parang di mo alam ugali nun"
"Sis kasi naman hinahayaan mo. Kaya ayun buhay binata parin"
"We have an agreement. Mind our own business"
"Sows lang talaga. Eh bakit ikaw bawal? May lumapit lang babakuran ka na ni Nathan?"
Oo nga. Ang unfair ng lalaking yun. Makapagreklamo nga mamaya. Ay ayoko. Natamad ako.
"Hayaan mo siya. Mambabae siya kung gusto niya."
"Kahit si Raine?" mapang asar na tingin ni Nyx sakin. Tinignan ko siya ng masama kaya nag sign siyang okay fine. Alam niya naman ang issues namin sa demonyitang yun. Forever kontrabida ang gaga.
"Pero sis. Papayag ka na lang ba? Alam mo naman fighting spirit nun ni Raine. Daig pa stamina ni superman. Ikaw kasi wala ka man lang katamisan sa katawan, sige ka. Magulat ka na lang may kasama ka nang demonyita sa bahay niyo" sermon ni Nyx.
"Subukan lang nila gagawin kong impyerno ang bahay.LITERALLY."
"Naku sis! Kaya ikaw simulan mo nang mag ipon ng sweet moves"
"At bakit ako? Babae ako."
"Porke babae dapat lalaki lagi ang sweet. Naku mars pantay na ang babae at lalaki ngayon. Kaya nga dapat di ka nagpapahuli."
"Whatever Nyx"
"Sige ka. Try mo lang naman sis walang mawawala" sabay nagtaas baba ang kilay niya. Kapag ganito ang ugali ni Nyx, hindi mo na matatanggihan. Ano pa bang magagawa ko? Alam ko namang di ako tatantanan nitong gagang to.
"Oo na oo at nang manahimik ka!"
"Talaga?! Ok ganito gagawin mo ha..."
*later*
*tok tok tok*
Pumasok si Nathan na halatang pagod kaka....
Takbo.
Tumingin muna siya na prof na halatang gulat na gulat at naghahanap ng aawating away. Problema nito?
Yung prof naman di maipinta ang itsura. Malamang. Ikaw ba naman biglang ibalibag pabukas yung pinto habang naglelesson.
"Yes MR. CRUZ?! You cut my class and returned?! Mas naunang pang bumalik yung inalalayan mo papuntang clinic kesa sayo"
Kumamot naman siya ng batok. His famous reaction and grin na nagpapahulog sa mga babae. Edi kinilig naman ang mga kaklase kong babae.
"Sorry sir. Emergency lang. Syempre babalik ako sir, baka hanapin ako ng misis ko"