Update Twenty Nine

5.4K 100 1
                                    

I HATE AUTOCORRECTS OF Microsoft Word. Nakakaburyo -_______- Oo nga pala. I am planning to make another story. Yung may pagkachildish naman, hahahaha, masyado kasing seryoso to XD. 

 dedicated sa walang sawang at palyang nag vovote dito. Salamat :))

MIMI POV

Saturday is a boring day, lalo na kung nagbabadya ang ulan. Si Nathan na ang naglinis, naglaba, nagluto at namalengke. At ako sarap buhay. I admit hindi ako sanay pero akalain mo yun? May instant katulong ako. Kulang na lang ata eh siya na magpaligo sakin, pero asa naman siya.  About the issue, hindi ako ganun katanga para malamang matagal na yun. Hello? May date and time kaya yung CCTV. Tanga lang talaga si Raine.

Bakit si Raine ang sinisisi ko? Eh sino pa bang contrabida dito? Siya lang naman diba? Lels.

One week na ang lumipas since the issue at mabilis din naming nagsubside dahil si author ay tamad. Para namang di nila alam ang reputasyon ni Nathan and worst, parang di naman sila sanay dun. Saka boring kaya yung scandal. Hahaha. Di man lang close up.

Kung nagtataka kayo kung anyare sa tatlong couples, the hell I know? But who knows, baka masama sila sa chapter na to.

“Ice cream!” at yumakap na naman si Nathan na bagong ligo at wet look pa. Yung ovaries ko malaglag. -___-

Ice cream ang tawag niya sakin at bakit? Walangya kasing mga banat niya nun sa amusement park, ice cream daw ba ako?

Sumiksik na naman siya sakin at inamoy amoy ang leeg ko. Ewan ko ba pero imbes na mukha ang favorite part niya sakin, ayun leeg ang laging trip. Mun adik.

“Hmmmm! Ang bango bango mo Mimi!” tinulak ko naman siya palayo at inirapan. Tumawa lang siya at yumakap ulit.

“Tantanan mo ako Nathan. Mabango ako eh hindi pa ako naliligo”

“Lagi ka naming mabango eh, kahit isang taon ka pang di maligo!” at eksaherada siyang nag sign ng isang taon. Topak.

Inirapan ko lang ulit siya at ibinalik ang atensyon sa TV.

“Haaay! Ang sungit ! May red alert ka ba Mimi? Patingin nga” at talagang hinawakan niya yung laylayan ng sando ko.

“NATHAN!”

“Joke lang Ice cream, di ka mabiro—“

*KRING KRING!*

Tumutunog yung cellphone ni Nathan pero di niya naman pinapansin. Tsch. Mamaya importante pa yun.

Hoy lalaki sagutin mo yung phone mo. Si Nejii tumatawag”

“Hayaan mo siya. Quality time pa natin to eh” at humiga siya sa lap ko. TAMAD na lalaki. Inabot ko naman yung phone niya at binigay sa kanya. Wala lang pang-asar lang.

“Tsch.” Nagtampo pa kuno to. Sapakin ko to eh.

Oh…Ha?...Sige…Okay….OO NA! ISTORBO KAYO! BYE!” sigaw niya sa phone at itinapon sa kung saang lupalop ng sofa namin.

“Mi, nagyayaya sila Nejii mag bar. Sumama ka daw” tinaasan ko naman siya ng kilay. I’ve been to bars but to tell you the truth, hindi ako nawili sa loob nun. People, or should I say, teenagers are wild, too provocative, and liberated. Isang beses lang ako pumasok and I swore to God, I will never go back to bars unless I need to.

“Ayoko. Kayo na lang.”

“Mimi, Nejii said he wants you to go, pati sila Nyx nandun din. Can you please go with me?”

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon