Update Thirty

5.6K 92 1
                                        

MIMI POV

Lahat kami napatigil at nagkatitigan. Parang na freeze at the moment kaming lahat then after ten seconds tumalikod na ako at naglakad pabalik.

Ang sama ng loob ko. Parang sasabog yung puso ko sa nakita ko kanina. Talaga bang ganun siya kahayok sa sex na sa lakad pa ng barkada namin siya gumawa ng kagaguhan. Kinagat ko na lang yung labi ko inis, galit at sakit. Oo masakit.

I am the Ice Princess, pero kahit sino walang makakaligtas sa heartbreak.

Hindi ko maexplain yung sakit. Parang di ka makahinga na gusto mong maglupasay sa gitna ng dance floor.

Sa gitna talaga ako dumaan at wala akong paki kung sinong babanggain ko.

"Aray naman!"

"Wow sayo tong dance floor"

"Uso mag excuse!"

Literal na hindi na ako makahinga at nakakuyom lang ang palad ko.

HINDI. HINDI AKO IIYAK. NOT THIS TIME.

Maingay at ang daming tao sa club kaya hindi ko na alam kung sumunod pa yung mga yun o tinawag man lang ako. Dumiretso ako sa table namin at kinuha ang gamit ko.

"Teka Mimi, uuwi ka na? Nasan si N--"

"Don't mention that NAME. Uuwi na tayo sa inyo Nyx."

"Pero--"

'What's happening Mimi? where are the boys?--"

"The hell I care with them."

At naglakad na ako palabas. Hindi naman nakasunod sila Nemo at Nyx sakin dahil siksikan na sa club at nanulak na lang talaga ako para makaalis na nakakasakal na lugar na yun.

The moment I got out of that cursed place, my first tear dropped. Kasasabi ko lang na hindi ako iiyak eh. sunud sunod nang tumulo yung luha ko. Ang great, umuulan pa. Ayokong nakikita nila akong ganito kaya kahit umuulan, tumakbo na ako paalis ng lugar na yun.

They will never see me crying in pain.

They will never see me crying because of a man.

They will never see me crying like this.

They will never see me weak.

Ang sakit pala pag nakita mong may ibang kasama yung mahal mo. Na kahit anong kasinungalingan at paliwanag mo sa sarili mo, yun parin ang lumalabas na nangyari. Kung yung iba nga eh nasasaktan na kapag nakikita nilang may kausap na babae yung mahal nila, what more pa sa sakit na nararamdaman ko? Yung iba na nalamang may kabit ang asawa nila, at least hindi nila nakita ng harap harapan na may nangyayaring milagro sa kabit at asawa nila. 

Nakakainis si lord, pwede namang unti unting level ng sakit yung maramdaman ko diba? Hindi yung ganito na binibigla niya ako. Masakit eh. Parang tinusok ng sandamakmak na kutsilyo yung puso ko.

All this time akala ko loyal siya, AKALA ko lang pala yun.

Akala ko naninira lang talaga si Raine, HINDI PALA. 

Akala ko totoo na yung mga pinapakita niya. HINDI PALA.

Akala ko mahal niya ako higit sa pagmamahal ko sa kanya. HINDI PALA.

I know i am not an expressive person. Na hindi ko maibigay ng buong buo yung gusto niya sa isang babae. Pero hindi naman yun ang basehan diba? Kung basehan and sex sa pagmamahal edi sana walang single parent? O kaya iniiwan ng lalaki pag nabuntis na?

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon