NYX POV
"NYX DE JESUS" nganga. Bigte.
Yung totoo? Prank to? Baka may kakambal ako! Siya ang ikakasal sa hinayupak na lalaking to. Hoy walang Jane na binanggit, hindi ako yun!
Lord? May galit ka sakin? Alam ko pong tinupad niyo lang wish ko, ang problema lang, BAKIT SA LALAKING TO? LOOOORD!
"St. Raphael, St. Therese, St. Anthony, St. Paul, St. Lorenzo..."
"Hoy Nyx. Wala ka bang balak tumayo?"
"Manahimik ka Kei. Tinatawag ko na lahat ng kilala kong santo."
Napansin ko naman si Nejii na ngiting wagas sa tapat ko. Kanina pa nakaoffer yung kamay niya kaso di ko pa tinatanggap. Bakit? Kasi sa oras na kinuha ko yun, ending na ng oh so happy life ko. ITULOY ANG PAGTAWAG SA MGA SANTO
"St. Dominic, St Anne..."
"Natuluyan na si Ate"
"Nyx nakakahiya ka. Tanggapin mo na kamay ni Nejii"
"Isa pang sabat Jack gagawin kong red yang pink lips mo. St. Andrew"
"Ehem. MS. NYX DE JESUS!" pag uulit ng LOLO ni Nejii. Huhuhu.
"Kukunin mo kamay ko Nyx o lalanding to sa dibdib mo?"
"Eto na nga tatayo na. Pahamak" tumayo na ako. Kahit anong gawin ko andito na to. Wala nang makakatulong kahit si superman pa.
Ito na ang surprise nila mommy. I AM REALLY SURPRISED. Effective ang surprises nila.
Nagsimula na kaming maglakad slash magbangayan ni Nejii papuntang stage. Patirin ko to eh.
"Ikaw pala ang malas girl Nyx"
"I know right. Di na sana ako pumunta kung alam ko going to hell party pala to"
"You should be happy, you are married to me. The great Nejii."
"Shut up. Id rather be happy kung si Nathan na lang sana, at least magkasundo kami" ngiti sa bisita Nyx, di dapat nawala ang poise. Sayang ang make up ng davids salon.
"Haha. As if Im happy with you, better if si Mimi na lang."
"Tse! Try mo lang maging kabit si Mimi. Tanggal lahat ng ngipin mo kay Nathan."
"Try mo maging kabit ni Natha--"
"Ooops! Walang paki si Mimi sa ganyan."
"Di mo ko pinatapos. Try mong maging kabit ni Kuya, asa namang pumatol sayo yun."
Aba loko to ah. Kinurot ko nga gamit ang kuko.
"Aray Nyx! Mapanakit ka ha!" impit na saway niya. Dinilaan ko nga lang. Beeelat.
Nakarating din kami sa stage. May pa assist assist pa tong Nejii na to, tuktukan ko to eh. Napakaplastik!
"Thank you Hijo and hija." ani ng lolo nila Nejii. "And here in front of you, the soon new Mr. and Mrs. Cruz. Bagay na bagay sila hindi ba?"
Nag agree naman mga tao. Ngumiti din ako ng pilit. Ang saya saya ng lolo nila ano? Ang sarap lang hambalusin. Amp.
"Thank you thank you. The marriage will be next year around July. I hope you guys can come. To Nejii and Nyx, hindi naman masama na mauna ang mga apo ko kesa sa kasal." At nagtawanan naman ang mga guest.
"Kayo naman po Lolo. Ang lakas magbiro" sabay hampas sa likod ng lolo ni Nejii. Napalakas ata. Muntik nang malaglag sa stage. Hehe bad girl Nyx. Such a meanie.
Maya maya ay bumaba na kami at napunta sa gilid ng stage. Nagsasalita parin ang lolo nila.
"Congrats" bati ni Nathan sakin. Sinamaan ko nga ng tingin. Wrong word dude.
"Condolence" ani ni Mimi.
"Mimiiiii! Huhuhu" niyakap ko siya.
"Ayoko sa kanya! Mimi tara tanan mo na ako"
"Tse tantanan mo ko Nyx."
"Anong tanan?!" sabay namang tanong nung magkapatid.
"TSE! Ayoko sayo! Salot Nejii!"
"Akala mo naman gusto kita. Aba ilusyunada kang babae ka."
"TSE AGAIN. Nasan na ba sila Mommy at nang ma call off na tong sakal wedding!"
"Tara sasamahan pa kita. Akala mo masayang makasal sayo?"
Napasinghap ako. KAPAAAL TALAGA. Akala niya naman masaya magpakasal sa kanya. Ang sakit sa feelings na isang tulad niya lang ang magsasabing di ako deserving ikasal. What an asshole!
"At sayo pa talaga nanggaling yan. Akala mo ba worth it ang buhay ng kasama ka? Better to be maiden than to be married to you" ganti ko. Kumunot naman noo nito na nagpapahiwatig ng pagkainis. Iniinis mo ako ha, mauuna ka.
"Anong sabi mo?! I am Nejii. Maraming may gusto sakin. Kaya wag kang magmarunong!"
"Hey hey. Chill guys." Saway naman samin ni Nathan. Di ko na napansin si Mimi na umalis sa tabi namin.
"Tse!" Inirapan ko lang silang dalawa. Magsama silang dalawa. Pampagulo ng buhay. NASAN NA BA SILA MOMMY? Magrereklamo pa ako!
"Baby! Nejii! Im glad you two are talking" speaking of my family.
"Mom! Whats this?!" inis kong sambit sa kanila.
Humagikhik lang sila. Binabanas ba nila ako?
"Ang pikon talaga ng baby ko! Its our surprise. Alam ko namang naiinggit ka kila Nathan at Mimi"
"Mom! But not going this far! With Nejii?" tapos tinignan ko siya. Siya naman nakangiti na.
"Alam niyo namang di kami magkasundo niyan" inirapan ko si Nejii. Tumawa naman ito. Bipolar! Kanina kulang na lang ihambalos sa lupa yung mukha ko sa inis niya. Waaaaaah!
"Calm down baby, nag iingay ka na naman. Bagay kaya kayo ni Nejii."
"MOM! WE ARE OPPOSITES!" sigaw ko. I dont care kung pagtinginan kami.
"Kaya nga anak. You two are opposites. Just like in a puzzle, you two are different pieces that fit together" explain ni Daddy.
Ang drama ng tatay ko!!
"Dad! Ayan ang napapala niyo kakanood ng mga movies eh. Nag iilusyon kayo"
Nabigla naman ako nang yakapin ako mula sa likod ni Nejii. Aba! Makatsansing to ah! Magsasalita sana ako nang hinigpitan niya ang yakap niya kaya nawalan ako ng hangin. Nyeta.
" Dont worry MOM and DAD. Aalagaan ko po ang baby niyo" sabay killer smile si Nejii sa parents ko. Tumawa naman ang parents ko at bigla nalang umalis.
"Hoy! Makatsansing ka manyak ka Nejii! Tatay at nanay ko yun, di sayo!" saway ko sa kanya at humiwalay sa pagkakayakap niya.
Sakto namang paglingon ko kay Nejii nang may mahagip ang mata ko sa bandang pool side which is nasa likod ni Nejii. OH MY GOSH!
*gasp*
"MIMIIIIIIIII!"
Napalingon lahat ng tao at nakarinig ako ng mga tilian.
"NATHAAAAN! SI MIMIII!"