Update Thirty Eight

4.5K 72 5
                                    

Na friendzoned ako hindi dahil sa hindi niya ako mahal.

Na friendzoned ako hindi dahil chinese ako at pilipino siya.

Na firendzoned ako hindi dahil mayaman siya at may kaya lang kami.

Na friendzoned ako dahil magkaiba kami ng relihiyon. </3

Ang drama. Hahahhaa. Sorry for the lamest and slowest update ever. May pagka Nejii-Nyx muna tayo ha? Saka na muna ang away mag asawa. Hello po sa mga nagbabasa at thank you sa votes and comments sis and bro. Matatapos na ako sa aking OJT kaya naman makakapag update na ako ng matino tino by next week and ill try to update tomorrow. PRAMIS :)

 Nyx POV

Kruuu.

Kruu.

Kruu.

Teka san galing yung uwak? Naglinis naman ako ng bahay kanina ah. Kidding aside, magkakauwak talaga dito sa bahay ko kung walang pang balak magsalita ang mga tao dito.

Si Mimi busy nanunuod sa TV, si Nathan nasa tapat niya at nakaluhod. Ewan ko dyan sa dalawang yan, si Nejii naman busy tignan yung mag-asawa, at ako, busy rin ako tignan yung dalawa. After kasi nung "care to explain blah blah blah" bigla na lang naglakad at umupo si Mimi. After nun, eto 2 hours na kaming hindi nagsasalita. SI Nathan na sorry ng sorry kanina, nanahimik na din. Oh, yeah, pinauwi na namin si Paris, masyado na siyang maraming nalalaman at masyado na siyang dumidikit sa fiancee ko, baka di ko matantiya pagbuhulin ko pa silang dalawa. 

"Ah.." sample lang. Panis na panis na kasi yung laway ko. Napatingin naman sakin si Nejii at Nathan. Kasi naman! Loko lokong Nathan to! Ipapasalvage ko na tong lalaking to eh, isasama ko yung babae niya. Saka naturingang babaero di pa marunong magbura ng bakas. SAUCE naman!

"Ah, Mimi--"

"Shut up Nyx" bara agad sakin. Ouch naman. Bakit ako nadadamay! Sasabihin ko lang sana na umuwi na sila kasi naman inaantok na ako, kaso wag na baka malibing pa ako ng wala sa oras. Alam niyo na mahal na ang mga biscuit ngayon.

Kinalabit ko naman si Nejii, inaantok na talaga ako, gusto ko nang uminom ng gatas at umakyat sa taas, matulog. Ay may kulang, ipagtabuyan palabas si Nejii, kapal niyang makitulog sa bahay ko, may condo siya. 

Nnginuso ko naman sa kanya yung pinto para sabihing lumabas na siya. Natawa naman siya at umiling. Ano dito siya matutulog? ASA. Inirapan ko siya at nginuso ulit yung pinto, bobo naman nito di makagets. Ngumiti naman siya ng nakakaawa at umiling na naman. Ano ba..

"Alam kong excited ka na pero maging conservative ka naman, ikaw babae ikaw pa humihingi ng kiss." bulong sabay tawa niya.

o_O

*PAK!*

 "Aray Nyx ah! Kanina ka pa, bakit mo ko tinadyakan!" tumayo siya at hinawakan yung paa niya.

"Hinayupak ka, ang kapal mo din, ANONG HUMIHINGI NG KISS! Sinasabi ko lang na umuwi ka na sa lampungan area mo! Lumayas ka dito sa bahay ko, ang kapal apog mo, tanggalin ko isa isa buhok mo sa katawan eh!"

"Lahat talaga?" pang asar pa niya. 

"NEJII!--"

Hinampas ko siya at sinabunutan. Ang taas ng self confidence ng lalaking to! Nasobrahan! Umabot na ata sa ulo niya yung hangin niya sa katawan kaya siraulo na. Yung totoo nakasinghot ba to ng sandamakmak na kiwi shoeshine?

"Aray! Nyx tigil! Masakit!"

*PAK*

"Ayaw! Sinabi ko na dati tigilan mo na ang drugs diba!"

Marrying A Fucker OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon